Pumunta sa nilalaman

Andrew Bynum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Andrew Bynum
Si Bynum nung siya ay nasa Lakers noong 2012
Personal information
Born (1987-10-27) 27 Oktubre 1987 (edad 37)
Plainsboro Township, New Jersey
NationalityAmerikano
Listed height7 tal 0 pul (2.13 m)
Listed weight285 lb (129 kg)
Career information
High schoolSt. Joseph (Metuchen, New Jersey)
NBA draft2005 / Round: 1 / Pick: ika-10 overall
Selected by the Los Angeles Lakers
Playing career2005–2014
PositionCenter
Career history
20052012Los Angeles Lakers
2013–2014Cleveland Cavaliers
2014Indiana Pacers
Career highlights and awards
Stats at Basketball-Reference.com

Si Andrew Bynum (ipinanganak noong ika-27 ng Oktubre, 1987, sa Plainsboro, New Jersey) ay isang Amerikano at propesyonal na basketbolista na huling naglaro para sa Indiana Pacers ng NBA. Nakatala si Bynum bilang 7'0" at may bigat na 275 lbs. Naglalaro siya bilang sentro. Noong 2006-07 NBA Season, siya ang pinakabatang manlalaro sa nasabing liga.[1]

Karera sa High school

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong una, si Bynum ay pumapasok sa West Windsor-Plainsboro High School North sa Plainsboro, bago siya lumipat sa Solebury School sa New Hope (Pennsylvania) pagkatapos ng unang taon niya dahil ayaw siyang ipasok sa starting line-up ng varsity coach niya sa naunang eskwela. Di naglaon at lumipat muli siya sa St. Joseph High School, sa Metuchen, New Jersey.[2] SA kanyang huling taon sa sekondarya, si Bynum ay nagtala ng average na 22 puntos, 16 rebounds, at halos 5 blocks kada laro.[3]

Karera sa NBA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Andrew Bynum ay napili bilang 10th overall pick noong 2005 NBA Draft ng Los Angeles Lakers. Noong ika-2 ng Nobyembre, 2005, sa unang laro para sa season ng Lakers laban sa Denver Nuggets, naglaro si Bynum ng anim na minuto at naging pinakabatang manlalaro na sumali sa isang laro sa NBA (siya ay may edad na 18 taon at 6 na araw).[3] sa nasabing laro, hindi pumasok ang dalawa niyang tira ngunit nagtala naman siya ng 2 rebounds at 2 blocks. Malamang na ang record na ito ay mananatili dahil sa bagong kasunduan sa pagitan ng NBA owners at NBA Players Association na tumanggap lamang sa draft ng mga manlalaro makalipas ang isang taon matapos silang mag-graduate sa high school at at may minimum na edad na 19 bago mag ika-31 ng Disyembre sa taon ng papasukang draft.

Isa sa mga hindi makakalimutang pangyayari sa karera ni Bynum ay ng magharap ang Los Angeles Lakers at Miami Heat noong ika-16 ng Enero, 2006. Dinakdakan ni Shaquille O'Neal si Bynum na naging dahilan upang bumagsak ang huli. Sa sumunod na play, nakuha ni Bynum ang bola sa low post, pumeke sa kanan, at nag-spin move papuntang kaliwa, at nang maiwan si O'Neal ay nag-dunk. Nagbunyi siya sa pamamagitan ng pag baba sa court at pagtulak kay O'Neal, na gumanti sa pamamagitan ng pagsalya kanyang braso sa dibdib ni Bynum. Parehong natawagan ng technical fouls ang dalawang manlalaro matapos ang insidente.[4]

Matapos siyang piliin sa draft, kinuha ng Lakers bilang special assistant ang basketball Hall of Famer na si Kareem Abdul-Jabbar upang turuan ang mga manlalaro ng Lakers, partikular si Bynum. Nang hindi makapaglaro ang mga sentrong sina Chris Mihm at Kwame Brown dahil sa injury noong simula ng 2006-07 season, si Bynum ang nagsilbing pangunahing sentro ng kuponan. Marami ang nagulat sa bilis ng kanyang paggaling.

Pinatahimik ng General Manager ng Lakers na si Mitch Kupchack ang ugong ukol sa pag-trade kay Bynum sa ibang kuponan. Ayon sa kanya, "we're not going to trade Andrew."[5]

Highlights ng kabuang karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Sa kanyang unang career start laban sa Phoenix Suns noong ika-21 ng Oktubre, 2006, naglaro si Bynum ng hindi hihigit sa 24 minuto at gumawa ng 18 puntos at 19 na rebounds.
  • Sa kasalukuyan, ang kanyang career high sa puntos ay 20, laban sa Minnesota Timberwolves noong ika-7 ng Nobyembre, 2006, kung saan nakakuha din siya ng 12 rebounds.
  • Sa kasalukuyan, ang career high niya sa rebounds (16) at blocks (7) ay nagawa niya laban sa Charlotte Bobcats noong ika-26 ng Enero, 2007.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:2005 NBA Draft