Pumunta sa nilalaman

Andrzej Wajda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Andrzej Wajda
Wajda noong 1963
Kapanganakan
Andrzej Witold Wajda

6 Marso 1926(1926-03-06)
Suwałki, Ikalawang Republika ng Polonya
Kamatayan9 Oktobre 2016(2016-10-09) (edad 90)
Warsaw, Polonya
NagtaposNational Film School in Łódź
TrabahoDirektor ng pelikula at teatro
Aktibong taon1951–2016
Asawa
  • Gabriela Obremba (k. 1949–59)
  • Zofia Żuchowska (k. 1959–67)
  • Beata Tyszkiewicz (k. 1967–69)
  • Krystyna Zachwatowicz
    (k. 1974)
Parangal
  • Palme d'Or
  • Honorary Golden Bear
  • Honorary Oscar
  • Golden Lion Honorary Award
Pirma

Si Andrzej Witold Wajda (pl; 6 Marso 1926 – 9 Oktubre 2016) ay isang Polakong na direktor sa mga pelikula at teatro. Ang tatanggap ng Honorary Oscar,[1] the Palme d'Or,[2], pati na rin ang mga gantimpalang Honorary Golden Lion[3] at Honorary Golden Bear, siya ay isang kilalang miyembro ng "Polish Film School". Kilala siya lalo na sa kanyang trilohiya ng mga pelikulang pandigma na binubuo ng A Generation (1955), Kanał (1957) at Popiół i Diament (1958).[4]

Siya ay itinuturing na isa sa mga pinakakilalang taga-gawa ng mga pelikula sa mundo[5] na ang mga gawa ay nagtala ng ebolusyong pampulitika at panlipunan ng kanyang sariling bansa[6] at tumatalakay sa mga alamat ng pambansang pagkakakilanlan ng mga Polako na nag-aalok ng mga malawakang pananaw na pagsusuri ng unibersal na elemento ng karanasang Polako– ang pakikibaka upang mapanatili ang dignidad sa ilalim ng pinakamahirap na sitwasyon.

Apat sa kanyang mga pelikula ay nominado sa gantimpalang Academy Award for Best Foreign Language Film (ngayo'y Best International Feature Film): The Promised Land (1975),[7] The Maids of Wilko (1979),[8] Man of Iron (1981), at Katyń (2007).[9]

Maagang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Wajda sa lungsod ng Suwałki,[10] siya ay anak ni Aniela (née Białowąs), isang guro, at Jakub Wajda, isang opisyal ng hukbo.[11] Noong 1942, sa kalagitnaan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumali siya sa mga partisanong Polako at nagsilbi sa Home Army. Pagkatapos ng digmaan, nag-aral siya bilang pintor sa Academy of Fine Arts sa Kraków bago pumasok sa Łódź Film School,[12] na kung saan nag-aral ang mga tanyag na direktor ng Polonya, kabilang si Roman Polanski.

Pagkatapos pag-aralan ng sining ukol sa pelikula sa tulong ng direktor Aleksander Ford, binigyan niya si Wajda ng pagkakataon na i-direk ang kanyang pelikula. Ang pinakauna niyang pelikula ay ginawa noong taong 1955 at pinamagatang Pokolenie (A Generation). Kasabay nito ay sinimulan ni Wajda ang kanyang trabaho bilang isang direktor sa teatro. Gumawa si Wajda ng dalawa pang higit na nagagawang pelikula, na nagpaunlad pa ng tema ng Pokolenie na tutol sa mga digmaan: Kanał (1957) (Special Jury Prize sa Cannes Film Festival noong 1957, na ibinahagi rin sa pelikula ni Ingrid Bergman na The Seventh Seal) at Ashes and Diamonds (1958), kasama si Zbigniew Cybulski.[13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kaufman, Michael T. (10 October 2016). "Andrzej Wajda, Towering Auteur of Polish Cinema, Dies at 90". The New York Times. Nakuha noong 10 October 2016.
  2. "Acclaimed Polish film director Andrzej Wajda dies aged 90". The Guardian. Agence France-Presse. 9 October 2016. Nakuha noong 10 October 2016.
  3. "Venice Film Festival to Honor Polish Auteur Andrzej Wajda". The Hollywood Reporter. 2013-08-22. Nakuha noong 2017-02-19.
  4. Natale, Richard (9 October 2016). "Andrzej Wajda, Celebrated Polish Director, Dies at 90". variety.com. Nakuha noong 10 October 2016.
  5. "Andrzej Wajda". Nakuha noong 2017-06-09.
  6. "Andrzej Wajda". Nakuha noong 2017-06-11.
  7. "The 48th Academy Awards (1976) Nominees and Winners". oscars.org. Nakuha noong 18 March 2012.
  8. "The 52nd Academy Awards (1980) Nominees and Winners". oscars.org. Nakuha noong 8 June 2013.
  9. Etkind, Alexander; Finnin, Rory; Blacker, Uilleam; Fedor, Julie; Lewis, Simon; Mälksoo, Maria; Mroz, Matilda (24 April 2013). Remembering Katyn. John Wiley & Sons. ISBN 9780745662961.
  10. Lincoln, Ross A. (10 October 2016). "Andrzej Wajda Dies: Oscar & Palme d'Or-Winning Director Was 90". Deadline Hollywood. Nakuha noong 10 October 2016.
  11. "Andrzej Wajda Biography (1926?-)". Filmreference.com. Nakuha noong 14 August 2012.
  12. "Andrzej Wajda – Twórca". Culture.pl. Nakuha noong 10 October 2016.
  13. "Andrzej Wajda, Oscar-Winning Polish Director, Dies at 90". hollywoodreporter.com. 9 October 2016. Nakuha noong 10 October 2016.


PolonyaTalambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Polonya at Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.