Ang Labindalawang Cesar
Itsura
May-akda | Suetonio |
---|---|
Orihinal na pamagat | De vita Caesarum (lit. ‘On the Life of the Caesars’) |
Bansa | Imperyong Romano |
Wika | Latin |
Dyanra | Biograpiya |
Petsa ng paglathala | 121 CE |
Ang De vita Caesarum (Latin; lit. "Tungkol sa Buhay ng mga Cesar") at mas kilala bilang Ang Labindalawang Cesar ay kalipunan ng labindalawang mga talambuhay ng mga Cesar ng Imperyo Romano na isinulat ni Suetonio. Ito ay isinulat noong 121 CE at ang pinakatanyag na akda ni Seutonio. Ito ay inalay sa kaibigang isang Prepektong Praetorian na si Gaius Septicius Clarus. Ang akdang ito ay mahalaga at pangunahing sanggunian sa panahon ng Prinsipado mula sa wakas ng Republikang Romano hanggang sa panahon ni Domiciano.