Angera
Angera | |
---|---|
Città di Angera | |
Mga koordinado: 45°46′N 08°35′E / 45.767°N 8.583°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lombardia |
Lalawigan | Varese (VA) |
Mga frazione | Capronno, Barzola |
Pamahalaan | |
• Mayor | Municipal prefect |
Lawak | |
• Kabuuan | 17.72 km2 (6.84 milya kuwadrado) |
Taas | 193 m (633 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 5,546 |
• Kapal | 310/km2 (810/milya kuwadrado) |
Demonym | Angeresi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 21021 |
Kodigo sa pagpihit | 0331 |
Santong Patron | Santa Maria Assunta |
Saint day | Agosto 15 |
Opisyal na website |
Ang Angera (Latin: Angleria) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan ng Varese, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya. Noong panahong Romano, isa itong mahalagang daungan sa lawa at estasyon ng kalsada. Dating kilala bilang Anghiera, natanggap ng Angera ang titulo ng lungsod mula kay Duke Ludovico il Moro noong 1497. Ang bayan ay matatagpuan sa silangang pampang ng Lago Maggiore.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pinakaunang kilalang mga naninirahan sa lugar ay mga mangangaso-nagtitipon na ginamit ang kuweba na kilala bilang Lungga ng Lobo (Tana del Lupo), sa paanan ng mga bangin. Sa panahon ng Romano, ang Angera (na kilala noon bilang Statio, isang lugar para sa pagpapalit ng mga kabayo) ay isang mahalagang daungan sa gilid ng lawa sa isang ruta ng kalakalan, ngunit noong ikaapat na siglo ito ay bumababa, at noong 411 ay nawasak, kasama ang Milan, ng mga Visigodo. Pagsapit ng ikalabing-isang siglo, ang lugar ay naipasa na sa pagmamay-ari ng mga Arsobispo ng Milan, at ang unang kastilyo ay itinayo sa isang madiskarteng lugar sa itaas ng bayan. Ang distrito ay nasa ilalim ng pamumuno ng Pamilyang Visconti noong ikalabintatlong siglo, at noong 1449, ito ay naibenta sa Pamilya Borromeo. Natanggap nito ang titulong lungsod mula kay Duke Ludovico il Moro noong 1497. Nang maglaon, ang bayan ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga Español sa loob ng dalawang siglo, na sinundan ng pamamahalang Austriako na tumagal hanggang 1861.[3] Noong taong 1580, ang pangalan ng lungsod ay nakalista bilang Anghiera sa Vaticanong Galeriya ng mga Mapa.
Noong 1776, unang natuklasan ng Italyano na pisikong Alessandro Volta ang metano sa mga latian ng Angera habang nasa kaniyang mga bakasyon sa tag-araw. Nagtagumpay siya sa paghihiwalay ng gas, na tinawag niyang nasusunod na hangin mula sa mga latian, noong 1778. Ito ang tinatawag nating metano ngayon.[4]
Kakambal na bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Viviers, Pransiya
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Massetti, Enrico (2015). One Day in Arona: Stresa from Milan. Lulu.com. p. 22. ISBN 978-1-312-49438-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Biography".