Anime Network
Ang Anime Network, isang dating bahagi lamang ng A.D. Vision, Inc. (magulang na kumpanya ng ADV Films), ay isang serbisyong digital na cable at satelayt na pagpapalabas sa Hilagang Amerika ng mga palabas na anime.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nailunsad ang himpilan sa Hilagang Amerika noong huling bahagi ng 2002 bilang mga digital anime television subchannel sa karamihan at mina-market sa mga multi system operator (MSO) bilang isang libre at subskipsyong Video On Demand (VOD) na serbisyong pamprograma. Nagbibigay din ang Anime Network ng online streaming ng mga anime nito para sa Hilagang Amerika [1] sa pamamagitan ng websayt nito na may kasamang paunang-tingin sa mga kabanatang buo o full-length para sa mga hindi miyembro, maramaming kabanata sa mga miyembro, at lahat ng online na titulo para sa mga tagasunod o subscriber'.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "RIN-NE 2 disponible para América Latina por Anime Network Online" (sa wikang Kastila). ANMTV. 2016-04-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na sayt
- Anime Network's Online-Player - Tala ng kasalukuyang pamagat Naka-arkibo 2013-12-08 sa Wayback Machine.