Pumunta sa nilalaman

Anne Bonny

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Anne Bonny
8 Marso 1702(1702-03-08) – 22 Abril 1782(1782-04-22) (edad 80)
Paglalarawan kay Anne Bonny, mula sa isang bersiyong Olandes ng mga aklat hinggil sa mga pirata na isinulat ni Charles Johnson.
BansagAnney
UriPirata
Pook ng kapanganakanKinsale, Irlanda
Matapat sa/kayWala
Mga taon ng kasiglahan?–Oktubre 1720
Himpilan ng mga gawainKaribe

Si Anne Bonny (8 Marso 1702 – 22 Abril 1782) ay isang Irlandesa na naging isang tanyag na piratang babae, na nagsasagawa ng mga pandarambong sa Karibe.[1] Ang kakaunting nalalaman hinggil sa kaniyang buhay ay malakihang nagmula sa A General History of the Pyrates (Isang Pangkalahatang Kasaysayan ng mga Pirata). Pangunahing siyang naaalala bilang isa sa dalawang mga piratang babae (bilang kasamahan ni Mary Read). Sa isang pagkakataon, kasama siya ni Mary Read na tumakas sa paglalayag sa piling ng lalaking piratang si John Rackham. Nadakip si Anne Bonny, subalit hindi nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya pagkaraan ng pagkakahuling ito.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Carlova (1964)
  2. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Anne Bonny". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 63.


TalambuhayIrlanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Irlanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.