Pumunta sa nilalaman

Anoop Desai

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Anoop Desai

Si Anoop Desai (ipinanganak: Disyenbre 20, 1986) ay isang finalist o kalahok sa ikawalong edisyon ng American Idol. Noong umawit siya para sa wildcard round ng kompetisyon, isinigaw niya ang pangalan ng kanyang unibersidad, at kaibigan niyang si Eve Carson, sa unang taong anibersaryo ng kamatayan nito.

Si Desai ang nag-iisang anak ng kanyang magulang, at lumaki sa Chapel Hill, Hilagang Karolina. Ang kanyang ina ay isang biochemist habang ang ama niya ay isang software engineer. Ang am niya ay ipinanganak sa India, habang ang ina niya ay isa ring Indian na ipinanganak sa Timog Aprika. Noong taong 1990s, lumabas siya sa isang programa sa telebisyon, “CentralXpress.com”, kung san siya gumanap sa papel ni “Raj”. Nanalo ang palabas na ito ng pitong rehiyonal na Emmy awards, dalawang pambansang Iris Awards, at isang pambansang Gabriel Award.

Nakatanggap siya ng apat na taong iskolarsyip sa Unibersidad ng Hilagang Karolina sa Chapel Hill, kung san siya naging Haywood W. Hinkle Carolina scholar. Pakatapos maipasa ang kwalipikasyon at magplanong pumasok sa Unibersidad ng Hilagang Karolina sa Chapel Hill, sumali siya at natanggap bilang kasapi ng UNC Clef Hangers, isang matagal nang grupong a capella na itinatag noong 1977 sa nasabing unibersidad. Natanggap siya sa grupo noong siya ay nasa huling taon na ng haiskul kung saan alam niyang ang pagpasok niya sa unibersidad ay magaganap sa Taglagas ng 2004. Nagsilbi siyang Music Director ng grupo noong kanyang junior year at pangulo noong senior year. Nananatili siyang President Emeritus ng UNC Clef Hangers.

Nagtapos siya sa UNC noong 2008 sa digring Batsilyer ng Arte, kung saan dalawa ang kanyang medyor, Agham-Pampolitika at Pag-aaral sa Kulturang Amerikano. Sa kasalukuyan ay isa siyang mag-aaral sa paralang gradwado sa naturang Pamntasan, upang matapos ang digring Paham ng Arte sa folklore. Ang kasikatan niya sa buong daigdig ay nagsimula sa partisipasyon niya sa ikawalong edisyon ng American Idol. Ang awdisyon niya ay naganap sa Kansas City, Missouri, at napiling bilang semifinalist kasunod ang kanyang pagpapakitang-gilas sa “Hollywood Week”. Hindi man siya napili bilang isa sa tatlong mga finalist na pinili sa kanyang semifinal performance group, nagbalik siya bilang “wild card”. Pinili siya ni Simon Cowell upang sumama sa Top 12, at pagkatapos ihayag ang pagbabago sa programa at pagpasok ni Desai sa finals, ito ay naging Top 13.