Antipapa Nicolas V

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Antipapa Nicholas V na ipinanganak na Pietro Rainalducci (c. 1260 – 16 Oktubre 1333) ang antipapa sa Italya mula Mayo 12, 1328 hanggang Hulyo 25, 1330 noong pagkapapa ni Papa Juan XXII (1316–34) sa Avignon. Siya ang huling Imperyal na Antipapa na inilagay ng isang Banal na Emperador Romano.