Pumunta sa nilalaman

Antipatro ng Bostra

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Antipatro ng Bostra o Antipatro, Obispo ng Bostra sa Arabia (bahagi na ng Jordan) ay isang Griyegong prelado at isa sa mga pangunahing lider ng Silanganing Kristiyanismo noong ika-5 siglo. Ginugunita ng Silanganing Ortodoksiya ang kanyang kapistahan tuwing Hunyo 13.

Kakaunti lamang ang nalalaman tungkol sa kanyang buhay, maliban sa siya'y namayagpag at tiningala ng kaniyang mga kasabayan noong mga 460, mapa-simbahan man o mapa-pamahalaan. Kilala siyang kalaban ng mga tagasunod ni Origenes. Sa isang komprehensibong sulat, tahasan niyang pinabulaanan ang "Paghingi ng Tawad kay Origenes," (ginawa nila Pamphilus at Eusebius ng Caesaria noong mga 309). Kinilala ito bilang isang dalubhasang komposisyon, at hanggang 540, ito'y iniutos basahin sa mga simbahang Silanganin, bilang pangontra sa pagkalat ng erehiya ni Origenes. Kinilala rin siyang may awtoridad na manunulat ng simbahan ng mga Ama ng Ika-7 Heneral na Konsilyo (787).[1] Sumulat din siya ng mahabang pag-aaral laban sa mga Apollinarist at maraming homiliya kasama, rito ang dalawa tungkol sa kapanganakan ni San Juan Bautista at sa Pagbati ng Anghel kay Maria.[2]

  1. "Antipater of Bostra." Catholic Online. (2011-06-01).[1]. (sa Ingles)
  2. Bautz, Friedrich Wilhelm. "Antipater, Bishop of Bosra (Arabia)." Biographisch-Biliographisches Kirchenlexikon, Verlag Traugott Bautz (2011). [2]. (Inaccess 2011-06-01). (sa Aleman)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.