Antipolo National High School (Main Campus)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Antipolo National High School (Main Campus) ay isang Pampublikong paaralan ng Sekundarya. Ito ang pinakamalaking paaralang Sekundarya sa Lungsod ng Antipolo. Sa kasalukuyan ang paaralan ay binubuo ng 9,748 na mga estudyante (taong 2009-2010). Ang malaking porsyento ng estudyante nito ay nagpapakita ng sumatotal na estudyante ng nagaaral sa pampubliko at pangpribadong paaralan sa buong lungsod ng Antipolo.

Ang Antipolo National High School ay itinatag noong 1973 na noo'y maliit pa lamang at binubuo ng two-storey na gusali sa kahabaan ng Padre Burgos Street. Nagkalaon, nagkaroon ng kaputol sa Reyes Annex na sinasabing nirerentahan ng gobyerno. Dahil sa patuloy ng paglobo ng mga estudyante, ito ay napagdesisyunang ilipat sa lower Antipolo sa Kahabaan ng Olalia Road.

Dahil sa tumataas na pangangailangan, ang paaralan ay talagang bibibigyan pansin ng gobyerno. Patuloy ang pagbibigay ng mga proyekto mula sa Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon Staff at opisyal. Ang administrasyon ng paaralan ay patuloy na nakikipag ugnayan upang makapagbigay ng maganda at de-kalidad na edukasyon sa kanilang mga mag-aaral para mabansagang pinakamagaling na paaralang pangsekundarya sa buong bansa gamit ang makabagong pagtuturo, makabagong kurikulum pangakademiko, mga pasilidad at tulong sa mag-aaral.



Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.