Aparatong Golgi
Itsura
Ang Aparatong Golgi (Ingles: Golgi apparatus o Golgi complex) ay isang organelong matatagpuan sa karamihan ng mga selulang eukaryotiko. Ito ay natukoy noong 1898 ng Italyanong doktor na si Camillo Golgi na ipinangalan sa organelong ito. Ito ay nagpoproseso at nagbabalot ng mga protina sa loob ng isang selula bago ang mga ito ay makarating sa mga destinasyon nito. Ito ay partikular na mahalaga sa pagpoproseso ng mga protina para sa sekresyon. Ang aparatong Golgi ay bumubuo ng isang bahagi ng sistemang endomembrano ng selula.