Pumunta sa nilalaman

Lambing

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Apeksyon)
Ang dibuhong Ang Paglalambing ng Bata, pinamagatang The Child's Caress sa Ingles, na ipininta ni Mary Cassatt, sirka 1890.

Ang lambing, maglambing, o paglalambing (Ingles: caress) ay maaaring tumukoy sa pagpapakita ng himanting, pagkawili, pagmamahal, pagkagusto, pagkakakursunada, o pagkahilig, pagkandili, pagsasaalang-alang, sa tao, hayop, at iba pang katulad na mga bagay. Isang halimbawa ng pangungusap na nagpapakahulugan ng diwang ito ang "Maglambing ka naman ng konti sa iyong kasintahan." Katumbas ang lambing ng mga salitang kalinga, kumalinga, alindog, umalindog, palayawin (may kaugnayan sa palayaw), alintana, karinyo[1], gamlang[1], at alindugin, na may kaugnayan sa pagpapakita at pagpapadama ng pag-iingat (sa diwa ng "iniingatang masaktan", katulad ng sa pariralang "Mag-ingat ka, mahal ko."), sapagkat may malasakit ang taong naglalambing.[2] May kaugnayan din ito sa iba pang mga salitang may kaugnayan sa pisikal (ginagamitan ng katawan o bahagi ng katawan) na paglalambing katulad ng haplos, hagod, himas, lamyos, halik, yakap, at yapos.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Caress - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Caress". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Caress' Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..

Pag-ibig Ang lathalaing ito na tungkol sa Pag-ibig ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.