Apollinarismo
Ang Apollinarismo o Apollinarianismo ang pananaw na iminungkahi ni Apollinaris ng Laodicea(namatay noong 390 CE) na si Hesus ay hindi maaaring nagkaroon ng isang isipang pantao. Sa halip ay si Hesus ay may katawang tao at isang mas mababang kaluluwa(ang upuan ng mga emosyon) ngunit may isipang pang-diyos. Ang Trinidad ay kinilala sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE ngunit ang debate tungkol sa eksaktong kahulugan nito ay nagpatuloy. Ang isang katunggali sa mas karaniwang paniniwala na si Kristo ay may dalawang mga kalikasan ang monophysitismo(isang kalikasan) na si Kristo ay may isa lamang kalikasan. Ang Apollinarismo at Eutychianismo ang dalawang mga anyo ng monophysitismo. Ang pagtakwil ni Apollinaris na si Kristo ay may isang isipang tao ay itinuturing na isang labis na reaksiyon sa Arianismo at katuruan nitong si Kristo ay hindi diyos.[1] Inakusahan ni Theodoret si Apollinaris ng paglilito ng mga persona ng Pagkadiyos at bumigay sa mga paraang heretikal ni Sabellius. Inakusan ni Basil ng Caesaria si Apollinaris ng pag-aabandona ng literal na kahulugan ng kasulatan at buong tumanggap sa kahulugang alegorikal. Ang mga pananaw ni Apollinaris ay kinondena sa isang Synod sa Alexandria sa ilalim ni Athanasius ng Alexandria noong 362. Ito ay kalaunang nagkahati hati sa iba iba pang mga pananaw na ang mga pangunahin ang mga Polemian at Antidicomarianite. Ang Apollinarismo ay idineklarang heresiya sa Unang Konseho ng Constantinople noong 381 CE dahil si Kristo ay inilarawan dito bilang buong tao at buong diyos. Ang mga tagasunod ng Apollinarismo ay inakusahan ng pagtatangkang lumikha ng isang tertium quid (ikatlong bagay na hindi diyos o hindi tao). Karagdagan pang itinuro ni Appolinaris sa pagsunod kay Tertullian na ang mga kaluluwa ng tao ay pinalalaganap ng ibang mga espirito gayundin ang kanilang mga katawan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ McGrath, Alistair. 1998. Historical Theology, An Introduction to the History of Christian Thought. Oxford: Blackwell Publishers. Chapter 1.