Pumunta sa nilalaman

Mani ng areka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Areca nut)
Mani ng areka

Ang mani ng luyos, maning luyos, mani ng areka, o maning areka, (Ingles: areca nut, betel nut) ay ang mga buto o bunga ng palmang luyos o Areca catechu (kalimitang kilala bilang palmang catechu lamang dahil kabilang ito sa mga Catechu), na isang puno sa Silangang bahagi ng mundo. Tinatawag din itong kasilo, "maning betel", o "mani ng betel". May kamalian ang pagtawag dito na "mani ng betel" o "maning betel" sapagkat hindi ito napipitas mula sa puno ng betel o ikmo. Nakagawian lamang ang ganitong tawag dahil madalas na kasamang sangkap ito ng dahon ng betel kapag inihahanda bilang "pang-nguya"). Ginagawang nganga (pagkaing nginunguya ng mga matatanda) ang mga ito, na kasama ng mga dahon ng ikmo. Isinasama ng mga matatanda ang mani ng luyos sa apog (oksido ng kalsyo) at maskada.[1][2]

Ginagamit din ang pinulbos na mani ng luyos bilang pampurga o pangtanggal ng mga bulati sa tiyan ng tao. Idinaragdag din ito bilang sangkap sa mga pulbos na panlinis ng mga ngipin. Bilang nganga sa Silangang bahagi ng mundo, inihahanda itong hinaluan ng kaunting apog na binilot sa loob ng dahon ng ikmo, isang mapanganib na gawain sapagkat maaaring makasanhi ng kanser sa bibig.[2]

  1. Gaboy, Luciano L. Areca, areka, kasilo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Areca nut, betel nut, seeds of the catechu palm". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 49.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.