Arkitekturang Islamiko
Ang arkitekturang Islamiko ay binubuo ng mga estilo ng arkitektura ng mga gusaling nauugnay sa Islam. Saklaw nito ang kapuwa sekular at relihiyosong mga istilo mula sa maagang kasaysayan ng Islam hanggang sa kasalukuyan. Ang maagang arkitekturang Islamiko ay naimpluwensiyahan ng arkitekturang Romano, Bisantino, Persiano, Mesopotamiko at lahat ng iba pang mga lupaing unang sinakop ng mga Muslim sa ikapito at ikawalong siglo.[1][2] Sa dakong silangan, naimpluwensiyahan din ito ng arkitekturang Tsino at Mughal habang kumalat ang Islam sa Timog Silangang Asya. Nang maglaon ay nakabuo ito ng mga natatanging katangian sa anyo ng mga gusali, at ang dekorasyon ng mga rabaw na may Islamikong kaligrapiya at heometriko at komplikadong mga palamuti. Naimbento ang mga bagong elemento ng arkitektura tulad ng mga silindrikong minaret, muqarnas, arabesque, multifoil. Ang pangunahing uri ng arkitekturang Islamiko para sa malaki o pampublikong mga gusali ay ang mosque, ang nitso, ang palasyo, at ang kuta. Mula sa apat na uri na ito, ang bokabularyo ng arkitekturang Islam ay nakuha at ginagamit para sa iba pang mga gusali tulad ng mga pampublikong paliguan, fountain at arkitekturang pambahay.[3][4]
Marami sa mga gusaling nabanggit sa artikulong ito ay nakalista bilang Pandaigdigang Pamanang Pook . Ang ilan sa kanila, tulad ng Kuta ng Aleppo, ay nakatamo ng malaking pinsala sa nagpapatuloy na Digmaang Sibil ng Syria at iba pang giyera sa Gitnang Silangan.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Krautheimer, Richard. Early Christian and Byzantine Architecture Yale University Press Pelican History of Art, Penguin Books Ltd., 1965, p. 285.
- ↑ Fletcher, Banister A History of Architecture on the Comparative Method 4th Edition, London, p. 476.
- ↑ Copplestone, p. 149
- ↑ "A Tour of Architecture in Islamic Cities". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-17. Nakuha noong 2018-12-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ UNESCO: Syria's Six World Heritage sites placed on List of World Heritage in Danger". 20 June 2013, accessed 1 February 2016