Armando Allen

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Armando Allen ay isang Amerikanong manlalaro ng football para sa posisyon na running back sa koponan ng University of Notre Dame Fighting Irish. Siya ay kilala rin sa tawag na "Glow." Si Allen ay may taas na 5 feet at 10 inches. Siya ay isang manlalaro na may mga katangian na kagilagilalas tulad ng lakas, bilis, at pagiging mailap. Siya ay mayroon din kakayahan pagdating sa balanse, isang magandang katangian para sa isang running back. Bukod dito mayroon din siyang kakayahan na manatiling nakatayo pagtapos ng ilang tama galing sa kalaban. Noong nasa junior pa lamang si Armando Allen siya ay nakatakbo sa 1,000 yards sa loob ng limang laro. Siya ay may average na nine yards per carry laban sa magagaling na kakompitensya sa buong mundo. Siya ay nakapagtala na ng 12 rushing touchdowns at itinuturing na isa sa mabibilis na manlalro sa NCAA.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.