Pumunta sa nilalaman

Armando Villa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Armando Villa
MamamayanPilipinas
Trabahoartista

Si Armando ay isang Pilipinong Artista noong bago pa magdigmaang-pandaigdigan. Una siyang lumabas sa pelikulang Drama na Ang Birheng Walang Dambana noong 1936, Isang Kuwentong-Pag-ibig na Susi ng Kalangitan noong 1937 at ang pelikulang Tagalog-Espanyol na El Secreto dela Confesion ng Parlatone Hispano Filipino.

Taong 1939 ng gumawa siya ng isang pelikula sa bakuran ng Sampaguita Pictures ang Walang Tahanan na pinangunahan naman ni Rosa Aguirre na noo'y isa sa mga sikat na artista ng Sampaguita.

Isang taon din siyang tumigil sa paggawa ng pelikula hanggang sa sumapit ang taong 1941 ng kunin naman ng LVN Pictures ang kanyang serbisyo sa pelikulang Ikaw Pala na isang Melodramatikong Pelikula bago magkagiyera.

Sumapit ang digmaan at mahigit limang taong pamamahinga sa pelikula, noong 1947 ay isinama naman siya bilang isa sa mga kontrabida nina Rosa del Rosario at Jose Padilla Jr. sa isang pelikulang Musikal ng Premiere Productions ang Bakya mo Neneng (1947).

  • 1913


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.