Arturo Tanco
Arturo R. Tanco Jr. | |
---|---|
Ministro ng Agrikultura | |
Nasa puwesto 1974 – Hunyo 1984 | |
Sinundan ni | Salvador H. Escudero III |
Kasapi ng Batasang Pambansa mula sa Rehiyon IV-A | |
Nasa puwesto Hunyo 12, 1978 – Hunyo 5, 1984 | |
Kalihim ng Agrikultura at Likas na Yaman | |
Nasa puwesto 1971–1974 | |
Nakaraang sinundan | Fernando López |
Personal na detalye | |
Isinilang | 22 Agosto 1933[1] |
Yumao | 18 Abril 1985 Maynila | (edad 51)
Kabansaan | Pilipino |
Asawa | Patricia Picket[1] |
Si Arturo Roxas Tanco, Jr. (Agosto 22, 1933 - Abril 18, 1985 Maynila) ay isang dating ministro ng pagsasaka at pangulo ng Pandaigdigang Konseho ng Pagkain ng Nagkakaisang Bansa.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang nag-aral si Tanco sa Pamantasang De La Salle[1] at Pamantasang Ateneo de Manila[2] sa Pilipinas at kalaunan ay nakatapos ng postgraduate na pag-aaral sa pamamahala sa Pamantasang Cornell at Pamantasang Harvard. Tumulong din siya sa pagtatatag ng Southeast Asia Research Center for Agriculture at nagsilbi bilang direktor ng Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay sa Los Baños.[3]
Pumasok si Tanco sa pamahalaan noong 1970 at ay hinirang ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang Kalihim ng Agrikultura at Likas na Yaman noong 1971 bilang kapalit kay dating Bise Presidente Fernando López. Nanatili siyang Ministro ng Agrikultura pagkatapos ng pagkakabuo ng Ministro ng Kapaligiran at Likas na Yaman noong Mayo 1974.[4] Sa kanyang panunungkulan, na tumagal hanggang 1984, siya ang partikular na may pananagutan sa pagpapalago ng produksyon ng palay, mais at gulay. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nagtagumpay ang Pilipinas na malampasan ang talamak na kakapusan sa bigas at naging isang bansang nagluluwas ng bigas mismo sa pamamagitan ng programang Masagana 99.[5] Ipinakilala rin niya ang isang katulad na programa sa paggawa ng mais. Ginamit din ni Tanco ang pagpapalatastas sa press at elektronikong media para hikayatin ang mga magsasaka na paigtingin ang pagtatanim.
Noong 1977, siya ay nahalal na pangulo ng Pandaigdigang Konseho ng Pagkain at nanatili sa nasabing posisyon hanggang 1981. Nakita rin sa kanyang termino ang pagtatatag ng Pandaigdigang Pondo para sa Kaunlarang Agrikultural noong Nobyembre 30, 1977 na kanyang sinuportahan bilang tugon sa paikot-ikot na kakulangan sa pagkain.[3] Noong 1978, ang Kagawaran ng Agrikultura ay nagtatag ng labindalawang tanggapan sa mga rehiyon ng Pilipinas.
Noong Hunyo 1984, nagbitiw siya sa kanyang puwestong ministeryal matapos na matalo sa halalan at hindi na muling nahalal bilang miyembro ng Batasang Pambansa. Siya ay hinalinhan bilang ministro ni dating Bise Ministro Salvador H. Escudero III.
Mga tala at sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Pablo P. Liwanag, pat. (1985). Record of the Batasan, Volume Five (sa wikang Ingles). Batasang Pambansa. p. 112.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "In Memoriam T" (sa wikang Ingles). Pamantasang Ateneo de Manila. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-13. Nakuha noong Nobyembre 13, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Arturo Tanco Jr., 51; A Former Filipino Aide". The New York Times (sa wikang Ingles). 1985-04-19. Nakuha noong 2021-10-23.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "From roots to fruits: The Agriculture Department history". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-15. Nakuha noong 2021-11-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Meet Arturo Tanco, a technocrat who tends the vital farming front". The Christian Science Monitor (sa wikang Ingles). 1980-09-19. Nakuha noong 2021-11-13.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panitikan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Maurice F. Strong: Ending hunger through sustainable development (Arturo Tanco Memorial Lecture Publication/The Hunger Project), 1989