Pumunta sa nilalaman

Ashraf Ghani

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ashraf Ghani
اشرف غني
Si Ghani noong 2021
ika-13 Pangulo ng Afghanistan
Nasa puwesto
29 Setyembre 2014 – 15 Agosto 2021
Pangalawang PanguloAbdul Rashid Dostum
Chief ExecutiveAbdullah Abdullah
Nakaraang sinundanHamid Karzai
Sinundan niHibatullah Akhundzada (bilang Pinuno ng Afghanistan)
Chancellor of the Kabul University
Nasa puwesto
22 Disyembre 2004 – 21 Disyembre 2008
Nakaraang sinundanHabibullah Habib
Sinundan niHamidullah Amin
Ministro ng Pananalapi
Nasa puwesto
2 Hunyo 2002 – 14 Disyembre 2004
PanguloHamid Karzai
Nakaraang sinundanHedayat Amin Arsala
Sinundan niAnwar ul-Haq Ahady
Personal na detalye
Isinilang
Ashraf Ghani Ahmadzai

(1949-05-19) 19 Mayo 1949 (edad 75)
Logar, Afghanistan
KabansaanAfghan[1]
Partidong pampolitikaIndependent
AsawaGharsa Ghani
RelasyonHashmat Ghani Ahmadzai (kapatid)
AnakMariam Ghani
Tariq Ghani
Alma materAmerican University of Beirut
Columbia University

Si Ashraf Ghani Ahmadzai (Pashto/Persa: اشرف غني احمدزی‎, ipinanganak 19 Mayo 1949) ang dating Pangulo ng Afghanistan na nahalal noong 21 Setyembre 2014. Umalis siya sa puwesto pagkatapos mapatalsik ng Taliban ang kanyang gobyerno noong Agosto 2021. Nakapag-aral bilang antropologo, siya ang dating nagsilbi bilang ministro ng pananalapi at chancellor ng Kabul University.

Bago bumalik sa Afghanistan noong 2002, nagtrabaho si Pangulong Ghani sa World Bank. Bilang Ministro ng Pananalapi ng Afghanistan mula Hulyo 2002 hanggang Disyembre 2004, pinangunahan niya ang pagsisikap ng Afghanistan na bangunin ang ekonomiya pagkatapos bumagsak ang pamahalaang Taliban.

Siya ang co-founder ng Institute for State Effectiveness, isang organisasyong itinatag noong 2005 upang mapabuti ang kakayahan ng mga estado na magsilbi sa mamamayan nito. Noong 2005 nagbigay siya ng isang TED talk, dito tinalakay niya kung paano buuing muli ang isang broken state kagaya ng Afghanistan.[2] Si Pangulong Ghani ay miyembro ng Commission on Legal Empowerment of the Poor, isang nagsasariling inisyatiba (initiative) ng United Nations Development Programme. Noong 2013 siya ay nasa ranggong 50 sa isang online poll na pangalanan ang nangungunang 100 na intelektuwal ng daigdig na pinangasiwaan ng magasing Foreign Policy at ikalaw sa kahalintulad na online poll ng magasing Prospect magazine,[3] sinundan niya dito si  Richard Dawkins.

Si Ghani ang pang-apat sa halalang pampanguluhan ng 2009, sa likod nina Hamid Karzai, Abdullah Abdullah, at Ramazan Bashardost. Sa first round ng halalang pampanguluhan ng 2014, natamo ni Ghani ang 31.5% ng mga boto, pangalawa kay Abdullah na nakatamo ng 45% ng mga boto. Nagpatuloy ang dalawang kandidato para sa isang run-off election na ginanap noong 14 Hunyo 2014 at dito nanalo si Ghani ng 55.27% ng mga boto at lumamàng ng isang milyong boto kay Abdullah.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Afghanistan’s elections: Ghani vs Abdullah, by Brieana Marticorena. The Strategist. 19 Agosto 2014.
  2. Ashraf Ghani. "Ashraf Ghani: How to rebuild a broken state - TED Talk - TED.com". ted.com. Nakuha noong 2 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "World Thinkers 2013 - Prospect Magazine". prospectmagazine.co.uk. Nakuha noong 2 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)