Pangulo ng Afghanistan
Pangulo ng Islamikong Republika ng Afghanistan | |
---|---|
Katayuan | Ang opisinang ito ay inalis |
Kasapi ng | Kabinete |
Tirahan | Ang Arg |
Luklukan | Kabul |
Nagtalaga | Direktang eleksyon |
Haba ng termino | 5 taon, binabago ng isang beses |
Nagpasimula | Mohammed Daoud Khan |
Nabuo | 1973 Hulyo 17 (orihinal) |
Unang humawak | Mohammed Daoud Khan |
Huling humawak | Ashraf Ghani |
Nabuwag | 15 Agosto 2021 |
Websayt | Tanggapan ng Pangulo |
Naging republika lang ang Afghanistan noong 1973 hanggang 1992 at mula 2001 hanggang 2021. Bago ang taong 1973 ang estado ay palaging pinamumunuan ng alin man sa mga hari, emir o shah. Nasa pamamahala ito ng mujahideen at rehimeng Taliban mula 1992 hanggang sa huling bahagi ng 2001.
Si Mohammed Daoud Khan ang naging unang pangulo ng Afghanistan noong 1973, matapos niyang wakasan ang kaharian ng kanyang pinsan na si Mohammed Zahir Shah sa isang hindi bayolenteng kudeta. Pinatay siya noong 1978 ng mga kasapi ng Demokratikong Partido ng mga Tao ng Afghanistan na pumili kay Nur Muhammad Taraki bilang kanilang pangulo. Sa kasagsagan ng dekada 1980 at 90 pinamunuan ang bansa ng iba't-ibang mga pangulo, kasama na sina Hafizullah Amin, Babrak Karmal, Mohammad Najibullah, at Burhanuddin Rabbani. Simula noong Disyembre 22, 2001, pinamumunuan na ang Afghanistan ng Pamamahalan ni Karzai sa ilalim ni Pangulong Hamid Karzai.
Binibigyan ng Saligang-Batas ng Afghanistan ang pangulo ng malawak na kapangyarihan sa usaping militar at lehislatibo, at may mahinang hawak sa pambansang parlamento. Ito ang ilan sa mga paksang pinagtalunan sa loya jirga ng bansa noong Disyembre 2003. Subalit, nakita ito ng pansamantalang pamamahala at ng mga sumusuportang kanluranin na mahalaga sa katatagan ng Afghanistan.
Noong 15 Agosto 2021, tumakas si Pangulong Ashraf Ghani papuntang United Arab Emirates habang sinasalakay ng Taliban ang Kabul.[1][2] Sa kasalukuyan, ang posisyong pagkapangulo ng Afghanistan ay nabuwag.
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Talaan ng mga Pangulo ng Afghanistan
- Talaan ng mga Hari ng Afghanistan
- Punong Ministro ng Afghanistan
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Archived at Ghostarchive and the Wayback Machine: Mishal Husain, Paul Adams, Malik Mudassir, Ben Wright, Jon Sopel (15 Agosto 2021). Taliban seize power in Afghanistan as President flees country (Television production) (sa wikang Ingles). London: BBC News. Nakuha noong 15 Agosto 2021 – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
{{cite midyang AV}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "President Ashraf Ghani leaves Afghanistan: Live". Al Jazeera. Agosto 15, 2021. Nakuha noong Agosto 15, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Presidency of Afghanistan - Opisyal na wesbite ng Tanggapan ng Pangulo ng Afghanistan.