Pumunta sa nilalaman

Astrodinamika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang astrodinamiks, astrodinamika, panglandas-tahaking mekaniks, talaisigan, mekaniks na pang-inugan, mekaniks na pang-aligiran, o mekaniks na pang-aligidan (Ingles: orbital mechanics o astrodynamics) ay isang paggamit o aplikasyon ng balistiko at mekaniks na selestiyal sa mga suliraning praktikal na nakatuon sa galaw o mosyon ng mga roket at iba pang mga sasakyang pangkalawakan. Ang kilos ng ganitong mga bagay ay pangkaraniwang kinakalkula o kinukuwenta (sinusuma) nyka sa mga batas ng galaw ni Newton at mga batas ng grabistasyong pang-uniberso ni Newton. Isa itong pangunahin o panggitnang disiplina sa loob ng disenyo at kontrol ng mga misyong pangkalawakan. Ang selestiyal na mekaniks ay mas nakatuon ng malawakan sa dinamikang orbital ng mga sistema sa ilalim ng impluwensiya ng grabidad, kasama na kapwa ang mga katawan ng sasakyang pangkalawakan at mga likas katawang astronomikal katulad ng mga sistema ng bituin, mga planeta, mga buwan, at mga bulalakaw. Samantala, nakatuon naman ang mekaniks na orbital sa mga trahektorya ng sasakyang pangkalawakan, kasama ang mga maneobrang pang-orbit, mga pagbabago sa kapatagan o kinalalagyan ng orbito, at mga paglilipat na interplanetaryo, at ginagamit ng mga tagapagplano ng mga misyong pangkalawwakan upang mahulaan ang mga resulta ng mga maneobrang propulsibo (propulsyong pangsasakyang pangkalawakan. Ang pangkalahatang relatibidad ay isang mas eksaktong teoriya kaysa mga batas ni Newton para sa pagkalkula ng mga orbito, at paminsan-minsang mas kailangan para sa mas malaking katumpakan o sa mga situwasyong may malalakas o matataas na grabedad (katulad ng mga orbit na malapit sa Araw).

Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.