Atabismo
Itsura
(Idinirekta mula sa Atavismo)
Ang atabismo (mula sa Ingles na atavism at Kastilang atavismo) ay ang teknikal na katawagan sa paglitaw sa isang supling o anak ng katangian ng isang ninunong matagal nang hindi nakikita sa mga salinlahi o henerasyon.[1] Isa itong uri ng pagkamana kung saan nagiging mas kamukha ng bata ang isang lolo o lola o isang ninunong higit na malayo, sa halip na kahawig ng isang kaagad o tuwirang magulang o ina at ama ng supling. Maaaring maging isang anyo ng karamdaman ang namanang katangian. Nagmula ang salitang atabismo mula sa Lating atavus na may ibig sabihing "malayong ninuno".[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Atavism, atabism(o) - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Atavism". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 60.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.