Pumunta sa nilalaman

Pangkalahatang abogado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Attorney general)

Sa maraming hurisdiksyon ng karaniwang batas, ang pangkalahatang abogado (sa Ingles: attorney-general) ang pangunahing legal na tagapayo ng pamahalaan, at sa ilang mga hurisdiksyon ay may tungkulin ng pagpapatupad ng batas, prosekusyon o kahit sa pangkalahatang ugnayang legal. Naging kasanayan, na ang hanganan kung saan nagbibigay ng personal na payong legal ang pangkalatang abogado ay nagiiba sa pagitan ng mga hurisdiksyon, at maging sa pagitan ng mga indibiduwal na may hawak ng opisina sa loob ng parehong hurisdiksyon, na kadalasang nakabatay sa antas at nature ng legal na karanasan ng opisyal.

Orihinal na ginamit ang termino upang tukuyin ang sinumang tao na may hawak na pangkalahatang kapangyarihan ng manananggol na kumakatawan bilang isang prinsipal sa lahat ng bagay. Sa tradisyon ng karaniwang batas, sinumang kumakatawan sa estado, lalong-lalo na sa mga prosekyusyong kriminal, ay siyang pangkalahatang abogado. Bagama't maaring magtalaga ang gobyerno ng isang opisyal bilang permanenteng pangkalahatang abogado, ang sinumang kakatawan sa estado sa parehong paraan ay, noon, maaring tawaging pangkalahatang abogado. Ngunit sa kasalukuyan madalas na ginagamit ang termino sa mga permanenteng itinilagang pangkalahatang abogado ng estado.

Mayroong mga kaparehong opisina ang mga huridiksyong batas sibil na maaring tawaging prokurator, pangkalahatang tagapagtanggol, pampublikong abogado, at iba pa. Marami sa mga opisinang ito ay gumagamit ng attorney general o attorney-general bilang Ingles na pagsasalin ng titulo, bagama't dahil sa iba't ibang kasaysayang pinagmulan ang kalagayan ng mga nasabing opisina ay karaniwang iba mula sa mga attorneys-general ng hurisdiksyon ng karaniwang batas.