Kampo ng konsentrasyon sa Auschwitz
Itsura
(Idinirekta mula sa Auschwitz Birkenau German Nazi Concentration and Extermination Camp)
Auschwitz | |
---|---|
Kampong konsentrasyon | |
Mga koordinado | 50°02′09″N 19°10′42″E / 50.03583°N 19.17833°E |
Ibang mga kapangalanan | Birkenau |
Lokasyon | Oświęcim, Mga pook na Polakong isinanib ng Nazing Alemanya |
Pinangasiwaan ng | ang Alemang Schutzstaffel (SS), ang NKVD (pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig) |
Orihinal na paggamit | Bakarks ng hukbong panlupa |
Operasyunal (gumagana) | Mayo 1940 – Enero 1945 |
Mga bilanggo | pangunahing mga Hudyo, mga Polako, mga Roma, mga sundalong Sobyet |
Napaslang | 1.1 milyon (pagtataya) |
Pinalaya ng | Unyong Sobyet, Enero 27, 1945 |
Natatanging mga bilanggo | Viktor Frankl, Primo Levi, Witold Pilecki, Rudolf Vrba, Elie Wiesel, Maximillian Kolbe |
Natatanging mga aklat | If This is a Man, Night, Man's Search for Meaning |
Websayt | Museong Pang-estado ng Auschwitz-Birkenau |
Ang kampo ng konsentrasyon sa Auschwitz (Aleman: Konzentrationslager Auschwitz [ˈaʊʃvɪts] ( pakinggan)) (1940–1945),[1] ay ang pangkat ng mga kampong panlipol ng Partidong Nazi at ipinatayo at pinangasiwaan ng Ikatlong Reich sa mga nasakop na mga lupain ng Alemanyang Nazi sa Poland (Polonya) noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang pinakamalaking konsentrasyong kampo na binubuo ng Auschwitz I (ang Stammlager o kampong base); Auschwitz II–Birkenau ( Vernichtungslager o kampong panlipol); Auschwitz III–Monowitz, na tinatawag ding Buna–Monowitz (kampo ng pagtatrabaho); at 45 mga kampong satelayt (sangay na kampo).[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Auschwitz Birkenau, German Nazi Concentration and Extermination Camp (1940–1945). UNESCO World Heritage List.
- ↑ Krakowski 1994, p. 50.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Polonya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.