Autonomous University of Mexico State
Ang Autonomous University of Mexico State (Español: Universidad Autónoma del Estado de México, UAEM) (Autonomous University of Mexico State) ay isang pampublikong unibersidad sa Estado ng Mexico, Mexico. Partikular itong matatagpuan sa lungsod ng Toluca. Ito ang pinakamalaking institusyong unibersidad sa estado na may higit sa 84,500 mag-aaral. Napormalisa bilang unibersidad noong 1956, mauugat ang kasaysayan nito sa taong 1828 sa pagkakatatag ng Instituto Literario del Estado de México, sa dating kabisera ng estado sa Tlalpan. Noong 1943 ang institusyon ay pinalaki upang maging Instituto Científico y Literario de Toluca (ICLA), at labintatlong taon pagkaraan ay makuha ang kasalukuyang pangalan at katayuang institusyonal. Ang UAEM ay nakapagpatapos ng maraming tanyag na tao, kabilang ang alagad ng sining na si Mariana Galán.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.