Ayungin
Ayungin | |
---|---|
Mga ayungin na ibinebenta sa isang palengke sa Pilipinas. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Actinopterygii |
Orden: | Perciformes |
Pamilya: | Terapontidae |
Sari: | Leiopotherapon |
Espesye: | L. plumbeus
|
Pangalang binomial | |
Leiopotherapon plumbeus (Kner, 1864)
| |
Kasingkahulugan | |
Datnia plumbea Kner, 1864 |
Ang ayungin (Leiopotherapon plumbeus) o silver perch[1] ay isang uri ng isda sa pamilyang Terapontidae. Endemiko ito sa Pilipinas, at may iba't ibang pangalan ito maliban sa ayungin, tulad ng bugaong, bigaong, at bagaong.[1]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umaabot ang espesye ng 16 sentimetro sa pinakamahabang haba.[2]
Gawi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagtataglay ang espesye na ito ng pangangalaga ng ama, na naoobserbahan na binabantayan at inaasikaso ng mga lalaking ayungin ang mga itlog.[3]
Paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hinuhuli at kinakain ang mga isda ng mga lokal. Itinuturing ito na isa sa mga pinakamasarap na katutubong isda sa tubig-tabang sa Pilipinas. Pakonti nang pakonti ang suplay nito dahil sa labis na pangingisda, at bihira na ito ngayon sa mga pamilihan, kaya medyo mahal na ito.[4]
Ipinapakain din ang isda sa mga pato.[4]
Pagpapanatili
[baguhin | baguhin ang wikitext]Humina ang populasyon ng ayungin dahil sa labis na pangingisda.[4] Noong 1991, ito ang pinakasaganang isda sa Laguna de Bay, ang pinakalaking lawa sa Pilipinas; mula noong 2002, ito ang ikatlong pinakasagana. Nag-ambag ang sedimentasyon at polusyon sa pagbaba ng populasyon sa lawa.[5]
Pinapalaki ang isda sa mga proyetong pagpapalahi ng mga nahuli, kung saan lumalaki ito ng mabuti sa diyetang binubuo ng pagpapakain ng sugpo at bulateng tubifex.[4] Dindosis ito na mga hormona upang hikayating mangitlog.[6]
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Mga ayunging nahuli sa Lawa ng Buhi, Camarines Sur.
-
Isang pangkaraniwang isdang kinakain ang espesyeng ito, na kilala ng mga lokal bilang 'ayungin'.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Froese, R. and D. Pauly, Eds. Common names of Leiopotherapon plumbeus [Mga karaniwang pangalan ng Leiopotherapon plumbeus] (sa wikang Ingles). FishBase. 2013.
- ↑ Froese, R. and D. Pauly, Eds. Leiopotherapon plumbeus. FishBase. 2013. (sa Ingles)
- ↑ Froese, R. and D. Pauly, Eds. Leiopotherapon plumbeus. FishBase. 2013. (sa Ingles)
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 'Ayungin' (Leiopotherapon plumbeus) target of conservation attempt by researchers. Naka-arkibo 2013-05-18 sa Wayback Machine. ['Ayungin' (Leiopotherapon plumbeus) target ng pagtatangka sa konserbasyon ng mga mananaliksik] (sa wikang Ingles). innovations-report.com Abril 29, 2009.
- ↑ Santos, B. S. et al. (2010). Geometric morphometric analysis and gill raker count variation of populations of the endemic Philippine silver perch, Leiopotherapon plumbeus (Perciformes: Terapontidae). The Philippine Agricultural Scientist 93(4) (sa Ingles)
- ↑ Agron, E. B. BAR highlights promising UPLB technology to save endangered fish species. Naka-arkibo 2013-07-01 at Archive.is BAR Chronicle 10(8). Agosto, 2009. Bureau of Agricultural Research. (sa Ingles)