Pumunta sa nilalaman

Ayuntamiento de Manila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ayuntamiento de Manila
Ang Ayuntamiento de Manila
Ayuntamiento de Manila is located in Kalakhang Maynia
Ayuntamiento de Manila
Pangkalahatang impormasyon
Estilong arkitekturalBagong klasiko
Bayan o lungsodMaynila
BansaPilipinas
Natapos1738, ipinatayo muli noong 1884
Teknikal na mga detalye
Bilang ng palapag4

Ang Ayuntamiento de Manila ay isang gusali na matatagpuan sa kanto ng Andrés Soriano (Calle Aduana) at Cabildo, kaharap ang Plaza de Roma sa Intramuros, Maynila, Pilipinas. Nakilala rin ang gusali na ito bilang Casas Consistoriales at nabansagang bilang Palasyo ng Marmol (Ingles:Marble Palace). Nawasak ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ipinatayo muli noong 2013. Simula noon, nagsilbi na ito bilang himpilan ng Kawanihan ng Kabang-yaman ng Pilipinas.