Pumunta sa nilalaman

BUKLOD Center, Inc

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Buklod Center, Inc. ay isang di-gobyernong organisasyon sa Pilipinas na naglalaan ng edukasyon, kabuhayan, impormasyon tungkol sa prostitusyon, at nagsisikap na iligtas ang mga bata at babae mula sa karahasan.

Ang Buklod Center ay itinatag sa Lungsod Olongapo noong 1997 bilang kanlungan ng mga babaeng nasa prostitusyon sa dating US Subic Bay Naval Base. Ito ay binuo ng mga babaeng galing mismo sa mga bar at klab, at iba't ibang di-gobyernong samahan ng kababaihan.

Ito ay aktibong nangampanya sa pagpapaalis ng mga base militar ng Estados Unidos sa bansa at ngayon ay mahigpit na ipinaglalaban ang pagpapawalang-bisa ng Visiting Forces Agreement na nagpaparami ng mga babaeng sumusuong sa prostitusyon. Sinisikap din nitong patatagin at iahon ang komunidad ng mga sex worker at mga anak nito.

Ang Buklod Center ay kasapi ng Coalition Against Trafficking of Women – Asia Pacific, na nagbibigay ng tulong-panghukuman sa mga biktima ng prostitusyon. Nagkakanlong na rin ito ngayon ng mga batang biktima ng karahasan.

  • Directory of Non-Government Organizations Working on Women. Publication of the National Commission on the Role of Filipino Women; Copyright 2007. (accessed on February 9, 2008)