Lobong kulay-abo
Lobong kulay-abo Gray wolf Temporal na saklaw: Gitnang Pleistoseno–Kamakailan
| |
---|---|
Lobong Eurasyano (Canis lupus lupus), Skandinavisk Dyrepark, Djursland, Denmark | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Subpamilya: | |
Tribo: | Canini
|
Sari: | |
Espesye: | C. lupus
|
Pangalang binomial | |
Canis lupus | |
Mga sub-espesye | |
39 ssp., tingnan ang Mga sub-espesye ng Canis lupus | |
Mapa ng nasasakupan. Lunti, kasalukuyan; pula, dating sakop. |
Ang lobong kulay-abo, lobong maabo o lobong abuhin (Canis lupus; Ingles: gray wolf) ay isang espesye ng canid na katutubo sa kaparangan at malalayong mga lugar ng Hilagang Amerika, Eurasya at Hilagang Aprika. Ito ang pinakamalaking kasapi ng pamilya nito na ang mga lalake nito ay may aberaheng timbang na 43–45 kg (95–99 lb) at ang mga babae ay may timbang na 36–38.5 kg (79–85 lb)[2] Ito ay katulad sa pangkalahatang hitsura at mga proporsiyon sa German shepherd,[3] o sled dog ngunit may isang mas malaking ulo, mas makitid na dibdid, mas mahabang mga hita at mas malaking mga paw.[4] Ang mga babae sa anumang populasyon ng lobo ay tipikal na tumitimbang na 5–10 lbs na kaunti kesa sa mga lalake.[5] Ang balahibo nitong pang tagginaw ay mahaba at mabuhok at karaniwang may batik batik na kulay gray bagaman ito ay maaaring sumaklaw mula purong puti, pula, kayumanggi o itim.[3] Sa loob ng henus na Canis, ang gray na lobo ay kumakatawan sa mas espesyalisadong espesye at maunlad na anyo kesa sa mas maliliit nitong mga pinsan na coyote at ginintuang jackal gaya ng ipinapakita ng mga pag-aangkop na morpolohiko nito sa pangangaso ng malalaking mga sinisilang hayop, mas mapakasalimuhang kalikasan[6] at mataas na maunlad na mahayag na pag-aasal.[7] Ito ay isang nakikisalamuhang hayop na naglalakbay sa mga pamilyang nukleyar na binubuo ng isang pares na magkatalik na sinamahan ng matandang supling ng pares na ito.[8] Ang lobong gray ay tipikal na isang maninilang apeks sa buong saklaw nito na ang tanging mga tigre at tao ang malalang banta sa mga ito.[9][10][11][12] Ito ay pangunahing kumakain ng mga ungulado bagaman ito ay kumakain rin ng mas maliliit na mga hayop, bulok na bangkay at basura.[13] Ang lobong gray ang isa sa pinaka-mahusay na sinaliksik na hayop na malamang ay mas maraming aklat na naisulat tungkol dito kesa sa anumang mga espesye sa kaparangan.[14] Ito ay may isang mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kinamuhian at hinuhuli sa karamihan ng mga pamayanang agrikultura dahil sa mga pag-atake nito sa mga hayop sakahan samantalang nirerespeto ng ilang mga katutubong tribo ng Katutubong Amerikano.[13] Ang lobong gray ang tanging ninuno ng aso na unang dinomestika mula sa mga lobong gray na ito sa Gitnang Silangan.[15] Bagaman ang takot sa lobo ay laganap sa maraming mga lipunan ng tao, ang karamihan ng mga naitalang pag-atake ng mga lobo sa mga tao ay itinuro sa mga hayop na may mga rabies. Ang mga walang rabies na lobo ay umatake at pumatay rin ng mga tao na karamihan ay mga bata ngunit ito ay hindi karaniwan.[16] Ang pangangaso at pagbibitag ng mga lobong ito ay nagpabawas ng saklaw ng espesyeng ito sa isang-tatlo bagaman ito ay relatibo pa ring laganap at matatag na populasyon na nangangahulugan ang espesyeng ito ay hindi nababantaan sa isang lebel na pandaigdig at kaya ay inuri ng IUCN bilang kaunting pagkabahala.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Mech, L.D., Boitani, L. (IUCN SSC Wolf Specialist Group) (2010). "Canis lupus". Pulang Talaan ng Nanganganib na mga Espesye ng IUCN. Bersiyong 2011.2. Internasyunal na Unyon para sa Konserbasyon ng Kalikasan.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Mech 1981, p. 11
- ↑ 3.0 3.1 Sillero-Zubiri, Hoffman & MacDonald 2004, p. 124
- ↑ Lopez 1978, p. 19
- ↑ Lopez 1978, p. 18
- ↑ Heptner & Naumov 1998, p. 175
- ↑ Zimen 1981, pp. 68
- ↑ Mech & Boitani 2003, pp. 1–2
- ↑ Perry, Richard (1964). The World of the Tiger. p. 148. Cassell & Company ltd.
- ↑ Lopez 1978, p. 29
- ↑ Heptner & Naumov 1998, p. 255
- ↑ Mech & Boitani 2003, p. 265
- ↑ 13.0 13.1 Sillero-Zubiri, Hoffman & MacDonald 2004, p. 128
- ↑ Mech & Boitani 2003, pp. xi
- ↑ vonHoldt, Bridgett M.; Pollinger, John P.; Lohmueller, Kirk E.; Han, Eunjung; Parker, Heidi G.; Quignon, Pascale; Degenhardt, Jeremiah D.; Boyko, Adam R.; Earl, Dent A.; Auton, Adam; Reynolds, Andy; Bryc, Kasia; Brisbin, Abra; Knowles, James C.; Mosher, Dana S.; Spady, Tyrone C.; Elkahloun, Abdel; Geffen, Eli; Pilot, Malgorzata; Jedrzejewski, Wlodzimierz; Greco, Claudia; Randi, Ettore; Bannasch, Danika; Wilton, Alan; Shearman, Jeremy; Musiani, Marco; Cargill, Michelle; Jones, Paul G.; Qian, Zuwei; Huang, Wei; Ding, Zhao-Li; Zhang, Ya-ping; Bustamante, Carlos D.; Ostrander, Elaine A.; Novembre, John; Wayne, Robert K. (2010). "Genome-wide SNP and haplotype analyses reveal a rich history underlying dog domestication". Nature. 464 (7290): 898–902. doi:10.1038/nature08837. ISSN 0028-0836.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Linnell 2002, p. 36