Babaeng lobo (mitolohiyang Romano)
Itsura
Sa mitolohiya ng pagkakatatag ng Roma, isang lobo ang nag-alaga at sumilong sa kambal na sina Romulo at Remo matapos silang iwan sa kasukalan ng utos ni Haring Amulius ng Alba Longa. Pinangalagaan niya ang mga sanggol sa kaniyang lungga, isang kuweba na kilala bilang Lupercal, hanggang sa natuklasan sila ng isang pastol na si Faustulus. Si Romulo ang magiging tagapagtatag at unang hari ng Roma sa paglaon. Ang imahen ng babaeng lobong nagpapasuso sa kambal ay naging isang simbolo ng Roma mula pa noong sinaunang panahon at isa sa mga pinakakilalang simbolo ng sinaunang mitolohiya.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Wiseman Remus preface pg xiii