Lupercal
Ang Lupercal (mula sa salitang Latin na lupa na nangangahulugang babaeng lobo) ay isang kuweba sa paanan ng katimugang gilid ng Burol ng Palatino sa Roma, sa pagitan ng Templo ni Apollo Palatinus at ng Basilica di Sant'Anastasia al Palatino. Sa alamat ng pagtatatag ng Roma, natagpuan sina Romulus at Remus ng isang babaeng lobo na nagpasuso sa kanila hanggang sa inampon sila ng pastol na si Faustulus. Kalaunan, ang mga pari ng Lupercus ay nagdiwang doon ng ilang seremoniya ng Lupercalia (o ang sinaunang pagdiriwang Romano ng pagpapadalisay at pertilidad), mula sa mga unang araw ng Lungsod hanggang sa taong 494 P.K., nang winakasan ni Papa Gelasio I ang gawi.
Noong Enero 2007, ipinahayag ni arkeologong Irene Iacopi na maaaring natuklas niya ang maalamat na kuweba sa ilalim ng mga tira ng bahay ni Augustus sa Palatine. Nagkataong ang mga arkeologo ay nakatuklas ng kuwebang 15-metro ang lalim habang nagsasagawa ng pagpapanumbalik sa ng humihinang palasyo.[1][2] Noong Nobyembre 20, 2007, inilabas ang unang hanay ng mga retratong nagpapakita ng kaha (vault) ng kuweba na tinatakpan ng mga makukulay na mosaic, batong pumita at kabibe. Ang gitna ng kisame ay tinatampok ng larawan ng isang puting agila, ang simbolo ng Imperyong Romano noong paghahari ni Augustus, ang unang emperador ng Roma. Hanggang sa ngayon, hinahanap pa rin ng mga arkeologo ang pasukan ng groto.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Valsecchi, Maria Cristina (26 Enero 2007). "Sacred Cave of Rome's Founders Discovered, Archaeologists Say". National Geographic News. National Geographic. Nakuha noong 20 Nobyembre 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Descubren la cueva donde Rómulo y Remo fueron amamantados por la loba" Naka-arkibo 16 March 2009[Date mismatch] sa Wayback Machine.
- ↑ Jaggard, Victoria (20 Nobyembre 2007). "Photo in the News: Grotto of Rome's Founders Revealed". National Geographic News. National Geographic. Nakuha noong 21 Nobyembre 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.