Pumunta sa nilalaman

Bakaw (ibon)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Bakaw
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Ardeidae

Mga sari

Tingnan ang teksto.

Para sa ibang gamit, gamit tingnan ang bakaw (paglilinaw).

Ang bakaw o tagak (Ingles: heron, crane o egret) ay isang uri ng ibong kumakain ng isda.[1] Kabilang sila sa mga ibong lumulusong sa tubig[2] na kabilang sa pamilyang Ardeidae. Mayroon kahirapan sa klasipikasyon ng bawat isang uri ng bakaw o tagak, at wala pa ring malinaw na pagkakasundo hinggil sa tamang paglalagay ng maraming mga uri sa loob ng dalawang pangunahing sari, ang Ardea at Egretta. Bilang katulad, ang pagkakaugnayan ng mga sari sa loob ng pamilya ay hindi pa rin lubos na nalulutas. Subalit may isang uring dating itinuturing na bumubuo sa isang nakahiwalay na monotipikong pamilya, o mag-anak na binubuo ng iisang uri lamang, na Cochlearidae ang itinuturing na ngayon bilang isang kasapi sa Ardeidae.

Kilala rin ang mga bakaw bilang tipol, tika, kanasta,[3] at tikling.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. "Crane, tall wading bird". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 48.
  3. Gaboy, Luciano L. Crane - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.