Pumunta sa nilalaman

Bánh xèo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ban xeo)
Bánh xèo
Biyetnamitang bánh xèo na may balanoy ng Taylandiya, dahon ng menta, litsugas, at sawsawan
UriPankeyk, krep
KursoUlam
LugarVietnam
Kaugnay na lutuinLutuing Kamboyano, Taylandes, Biyetnames
Ihain nangKadalasang mainit
Pangunahing SangkapGalapong, tubig, pinulbos na luyang-dilaw

Ang bánh xèo (lit. na 'sumasagitsit na pankeyk') ay isang malutong, pinalamanan, de-bigas na pankeyk na sikat sa Biyetnam.[1] Tumutukoy ang pangalan sa tinutunog (xèo – 'sumasagitsit') ng manipis na batidong bigas kapag ibinuhos ito sa mainit na kawali.[2][3] Isa itong masarap na piniritong pankeyk na gawa sa galapong, tubig, at pinulbos na luyang-dilaw. Maaari rin itong tawaging Biyetnamitang krep.[4][5] Kabilang sa ilang karaniwang palaman ang baboy, hipon, hiniwang tanduyong, munggo, at tawge. Kadalasang inihahain ang bánh xèo na may kasamang pamutat. Kadalasan, isinasahog ang mga madahong gulay tulad ng litsugas o dahon ng perilya, iba pang mga halamang gamot na pampalasa tulad ng malipukon at balanoy ng Taylandiya,[6][7] mga pipino, at mga inatsarang gulay, karaniwan mga karot at labanos. Panghuli, nước chấm ang sawsawan nito, isang matamis at maasim na patis na may bawang. Nag-aambag ang mga elemento ng bawat sahog at sarsa sa sariwang lasa na pritong bánh xèo.[8]

Isang tradisyonal na pagkaing-kalye sa Biyetnam ang bánh xèo. Pangunahing kinakain ito ng uring manggagawa dahil mura at madaling kainin.[8] Hindi alam kung saan ito nagmula. Gayunpaman, sumasang-ayon ang maraming Biyetnames na posibleng nalikha ang putaheng ito sa isang lugar sa Gitnang Biyetnam sa pagpupusyon ng kulturang Pranses noong panahon ng pananakop o Timog Biyetnam sa pamamagitan ng mga imigranteng dumating sa Biyetnam at paghahalo sa nakapaligid na kultura.[9][10] Ipinapalagay ng iba na nagmula ang bánh xèo sa paghahalo ng kulturang Cham at lutuing Biyetnamita.[11]

Mga baryasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga rehiyonal na baryasyon ang:

  • Bánh Xèo ng Miền Trung (Gitnang Biyetnam): madalas mas maliit, halos kasinlaki ng isang kamay. Kung ikukumpara sa Miền Tây, mas kaunti ang palaman ng bersiyong Miền Trung. Kabilang sa mga palaman ang sugpo, maninipis na hiwa ng baboy, at tawge.[12] Pati na rin ang pagiging mas madidilim o hindi kasindilaw ng iba pang mga baryasyon dahil sa pagdagdag ng bagoong, na nagbibigay ng kakaibang lasa at kulay sa ulam.
  • Bánh Xèo ng Miền Tây (Deltang Mekong): madalas mas malaki kaysa sa bersiyong Miền Trung, karaniwang kasinlaki ng pizzang may maliit hanggang katamtamang laki, mga 12 pulgada ang diyametro. Subalit karaniwang mas manipis ito. Mas sari-sari ang mga sahog at palaman ng Miền Tây. Dahil dito, kadalasang mas matingkad ang kulay nitong bánh xèo. Halimbawa, nagiging makulay na dilaw ang putahe kapag idinagdag ang luyang-dilaw at gata. Kabilang sa mga palaman ang sugpo, liyempo, tanduyong, pinritong sibyuas, at tawge.[9]

Sa ibang bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sikat din itong putahe sa Kambodya,[13] kung saan banh chao (បាញ់ឆែវ) ang tawag sa putahe.[14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pham, Quynh Chau. Vietnamese Insight Pocket Travel Dictionary [Pambulsang Diksiyonaryong Pambiyahe na Pang-unawa ng Biyetnamita]. Insight Pocket Travel Dictionaries. ISBN 9789812346711. Bánh xèo de-bigas na pankeyk (Isinalin mula sa Ingles)
  2. Ottolenghi, Yotam (2011). Plenty: Vibrant Vegetable Recipes from London's Ottolenghi [Marami: Masiglang Resipi ng Gulay mula sa Ottolenghi ng London] (sa wikang Ingles). ISBN 9781452109701. Bánh xèo - Bumisita ako sa Hanoi kasama ang aking kaibigan, si Alex Meitlis, at nasumpungan ko ang akili sarili na nakatingkayad sa pinakamaruming kusina sa kalye na takbong-pamilya, at naranasan ko ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Nguyen-Hong-Nhiem, Lucy (2004). A Dragon Child: Reflections Of A Daughter Of Annam In America [Isang Anak-dragon: mga pagmuni-muni ng isang anak ng annam sa Amerika] (sa wikang Ingles). p. 13. ISBN 9780595328390. Mahilig siyang magluto ng mga paborito naming pagkain, bánh xèo at bánh khoái. Isa itong dish na tinatawag ng mga Biyetnames sa Amerika na "happy pancakes". Tinatawag silang bánh xèo: bánh ay keyk; ang xèo ay ang pagsasagitsit ng batido kapag ito ay ibinuhos sa isang mainit ... (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Bánh Xèo Recipe (Crispy Vietnamese Crêpes / Pancakes)" [Resipi ng Bánh Xèo (Malutong na Krep / Pankeyk ng Biyetnam)]. Hungry Huy (sa wikang Ingles). 2015-02-23. Nakuha noong 2021-03-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Vietnamese crepes with pork and shrimp recipe - banh xeo" [Resipi ng Biyetnamitang krep na may baboy at hipon - banh xeo]. SCMP Cooking | South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Giac Mo Viet: Bánh xèo đặc sản Cần Thơ Naka-arkibo 2018-10-11 sa Wayback Machine., Nakuha noong Oktubre 10, 2018
  7. NPR Inc.:Banh Xeo (Sizzling Crepes), Nakuha noong Oktubre 10, 2018.
  8. 8.0 8.1 VIETNAM.COM. "Banh Xeo: Through the Years" [Banh Xeo: Sa Paglipas ng mga Taon]. VIETNAM.COM (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "Banh Xeo: A Guide to the Vietnamese Pancakes | Vietnamnomad". Banh Xeo: Isang Gabay sa mga Biyetnamitang Pankeyk | Vietnamnomad (sa wikang Ingles). 2023-02-01. Nakuha noong 2023-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "The Evolution of Bánh Xèo: A Street Food History | Saigoneer" [Ang Ebolusyon ng Bánh Xèo: Kasaysayan ng Isang Pagkaing-kalye | Saigoneer]. saigoneer.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Bánh Xèo (Vietnamese Crepe)" [Bánh Xèo (Biyetnamitang Krep)]. Shef Cuisines 101 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Vietnamese Foods: Banh Xeo in Ho Chi Minh City" [Mga Pagkaing Biyetnamita: Banh Xeo sa Lungsod ng Ho Chi Minh]. i Tour Vietnam (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Brouwer, Andy (2010). To Cambodia with Love: A Travel Guide for the Connoisseur [Pa-Kambodya nang may Pagmamahal: Isang Gabay sa Paglalakbay para sa Eksperto] (sa wikang Ingles). Phnom Penh: ThingsAsian Press. p. 15. ISBN 978-1934159088. Nakuha noong 17 Hulyo 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Murray, Bennett. "Rasmey's restaurant makes a mean banh chao". Phnom Penh Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Hulyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)