Pumunta sa nilalaman

Banana, Demokratikong Republika ng Congo

Mga koordinado: 6°01′S 12°25′E / 6.017°S 12.417°E / -6.017; 12.417
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Banana
Pag-ahon sa Banana, Demokratikong Republika ng Congo noong 1899.
Pag-ahon sa Banana, Demokratikong Republika ng Congo noong 1899.
Banana is located in Democratic Republic of the Congo
Banana
Banana
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo
Mga koordinado: 6°1′S 12°25′E / 6.017°S 12.417°E / -6.017; 12.417
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganKongo Central

Ang Banana ay isang bayan at maliit na pantalang dagat sa lalawigan ng Kongo Central sa Demokratikong Republika ng Congo sa baybaying-dagat ng Karagatang Atlantiko. Matatagpuan ang pantalan sa Sapa ng Banana, isang pasukan na may lapad na isang kilometro sa hilagang pampang ng bunganga ng Ilog Congo, at hinihiwalay sa karagatan ng isang piraso ng lupa tatlong kilometro ang haba at 100 hanggang 400 metro ang lapad. Ang pantalan ay matatagpuan sa sapang dako ng piraso, na nagkukubli nito mula sa karagatan. Ang bayan ay nasa 8 kilometro timog-silangan ng Muanda kung saang ini-uugnay nito sa pamamagitan ng isang patag na daang dumadaan sa baybaying-dagat.

Ang bayan ay pinaunlad bilang isang pantalan noong ika-19 na dantaon, pangkaramihan bilang bahagi ng kalakalan ng mga alipin. Dumating si Henry Morton Stanley sa Banana noong 1879 sa simula ng isang paglalakbay na pinondohan ni Leopold II ng Belgium. Kasunod ng Pulong sa Berlin (1884–85) kinilala ng mga bansang Europeo ang pag-aangkin ni Léopold sa lunas ng Congo, at [kailangang linawin] ang pagtatag ng Malayang Estado ng Congo na siya mismo ang namumuno, at dito nagsisimula ang panahon ng pananakop ng mga Europeo. Ang Banana ay pangunahing base pandagat ng Belhika hanggang sa kasarinlan ng Congo noong 1960.

Datos ng klima para sa Banana
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 31
(87)
31
(87)
31
(88)
31
(88)
30
(86)
27
(81)
26
(78)
26
(78)
27
(80)
28
(83)
29
(85)
30
(86)
29
(84)
Katamtamang baba °S (°P) 24
(75)
24
(75)
24
(76)
24
(75)
23
(73)
21
(69)
19
(66)
19
(66)
22
(71)
23
(74)
24
(75)
24
(75)
23
(73)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 28
(1.1)
168
(6.6)
150
(6)
140
(5.5)
107
(4.2)
3
(0.1)
3
(0.1)
3
(0.1)
3
(0.1)
10
(0.4)
94
(3.7)
69
(2.7)
772
(30.4)
Sanggunian: Weatherbase[1]

Mga pasilidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pantalan ng Banana ay binubuo ng isang daungan ng 75 metro at lalim na 5.18 metro, kasama ang dalawang maliit na mga grua (cranes) para sa paghawak ng kargamento, at ilang maliit na mga lunsaran (jetties). Ang pantalan ay may terminal ng petrolyo 4 kilometro sa dakong itaas ng ilog kung saang nagdidiskarga ang mga tangker habang nakadaong sa sapa. May isang hiwalay na daan ang terminal sa silangan ng Muanda. Maliban sa pantalan, wala nang mga pangunahing pasilidad sa Banana, sapagkat ang mga ito ay sinusustento ng mas-malaking bayan ng Muanda, kung saang matatagpuan ang pinakamalapit na paliparan. Wala ring daambakal na nag-uugnay sa Banana.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Weatherbase: Historical Weather for Banana, Republic of Congo". Weatherbase. 2011. Nakuha noong Nobyembre 24, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

6°01′S 12°25′E / 6.017°S 12.417°E / -6.017; 12.417