Pumunta sa nilalaman

Barbie

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Barbie
UriManikang pang-moda
(Mga) ImbentorRuth Handler
KompanyaMattel
BansaEstados Unidos
PagkakaroonMarso 9, 1959–kasalukuyan
MateryalesPlastik
Opisyal na website

Ang Barbie ay isang manikang moda na nilikha ng negosyanteng Amerikano na si Ruth Handler, na minapaktura ng kompanyang Amerikanong gumagawa ng laruan, ang Mattel, at nilunsad noong 1959. Ang laruan ay ang tau-tauhan ng tatak na Barbie na kinabibilangan ng isang hanay na mga manikang moda at aksersorya. Naging mahalagang bahagi ang Barbie ng merkado ng laruang manikang moda sa loob ng higit na anim na dekada. Nakabenta ang Mattel ng higit sa bilyong manikang Barbie, na ginagawa ito bilang ang pinakamalaki at pinakamabentang linya ng produkto.[1] Lumawak ang tatak sa isang prangkisang multimedya simula pa noong huling bahagi ng dekada 1980, kabilang ang mga larong bidyo, mga pelikulang inanimasyon ng kompyuter, at isang pelikulang totoong-tao (o live action).

Sinasalarawan si Barbie at ang kanyang lalaking katumbas, si Ken, bilang ang dalawang pinakapopular na mga manika sa buong mundo.[2] Simula ng nailunsad, binago ng Barbie ang negosyong laruan sa mga pamayanang mayayaman sa buong mundo sa pamamagitan ng isang behikulo para sa pagbenta ng kaugnay na paninda (aksesorya, damit, kaibigan at kamag-anak ni Barbie, atbp.). Sumulat para sa Journal of Popular Culture (Talaarawan ng Popular na Kultura) noong 1977, binanggit ni Don Richard Cox na may makabuluhang epekto ang Barbie sa mga pagpapahalagang panlipunan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga katangian ng pagiging malaya ng kababaihan, at kasama ng kanyang maraming aksesorya, isang ulirang elitistang pamumuhay na maaring ibahagi sa mga kaibigang mayaman.[3]

Labis na humina ang benta ng mga manikang Barbie mula 2014 hanggang 2016.[1] Noong 2020, nakapagbenta ang Mattel ng $1.35 bilyong halaga ng mga manikang Barbie at mga aksesorya, at ito ang pinakamainam na paglago ng benta sa dalawang dekada. Pagtaas ito mula sa $950 milyong naibenta ng tatak noong 2017.[4] Sang-ayon sa MarketWatch, inaasahan sa paglabas ng pelikula ng 2023 na Barbie na makakalikha ng "makabuluhang paglago" para sa tatak hanggang sa hindi bababa sa 2030.[5] Pati na rin ang muling pinasiglang benta, nagdulot ang paglabas ng pelikula ng isang nauusong moda na kilala sa tawag na "Barbiecore".[6]

Mga epekto sa imahe ng katawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula pa sa simula, may ilan ang nagreklamo sa "blonde, manikang plastik na nagpaparating ng isang hindi makakatotohanang imahe ng katawan para sa mga batang babae."[7]

Kadalasang umiikot ang mga kritisismo sa Barbie sa mga alalahanin na kinukunsidera ng mga bata si Barbie bilang isang huwaran at susubukan nilang gayahin ito. Isa sa pinakakaraniwang kritisismo ng Barbie ay ang pagsulong ng isang hindi makakatotohanang ideya ng imahe ng katawan sa mga batang kababaihan, na nagdudulot ng panganib sa mga babaeng susubok na gayahin si Babie na maging anoreksya. Naikokonekta ang hindi makakatotohanang proporsyon ng katawan ng mga manikang Barbie sa ilang sakit sa pagkain sa mga bata.[8][9][10][11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Ziobro, Paul (28 Enero 2016). "Mattel to Add Curvy, Petite, Tall Barbies: Sales of the doll have fallen at double-digit rate for past eight quarters". Wall Street Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Norton, Kevin I.; Olds, Timothy S.; Olive, Scott; Dank, Stephen (1996-02-01). "Ken and Barbie at life size". Sex Roles (sa wikang Ingles). 34 (3): 287–294. doi:10.1007/BF01544300. ISSN 1573-2762. S2CID 143568530.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Don Richard Cox, "Barbie and her playmates." Journal of Popular Culture 11.2 (1977): 303-307 (sa Ingles).
  4. Gilblom, Kelly (2021-02-24). "How a Barbie Makeover Led to a Pandemic Sales Boom". Bloomberg News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-02-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "2023 "Barbie Doll Market" Regional Sales and Future Trends Analysis". MarketWatch (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-07-19. Nakuha noong 2023-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Long, Complicated, and Very Pink History of Barbiecore". Time (sa wikang Ingles). 2023-06-27. Nakuha noong 2023-07-19.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Ziobro, "Mattel to Add Curvy, Petite, Tall Barbies: Sales of the doll have fallen at double-digit rate for past eight quarters". The Wall Street Journal. Enero 28, 2016 (sa Ingles).
  8. Dittmar, Helga; Halliwell, Emma; Ive, Suzanne (2006). "Does Barbie make girls want to be thin? The effect of experimental exposure to images of dolls on the body image of 5- to 8-year-old girls". Developmental Psychology (sa wikang Ingles). 42 (2): 283–292. doi:10.1037/0012-1649.42.2.283. ISSN 0012-1649. PMID 16569167.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Brownell, Kelly D.; Napolitano, Melissa A. (1995). "Distorting reality for children: Body size proportions of Barbie and Ken dolls". International Journal of Eating Disorders (sa wikang Ingles). 18 (3): 295–298. doi:10.1002/1098-108X(199511)18:3<295::AID-EAT2260180313>3.0.CO;2-R. ISSN 1098-108X. PMID 8556027.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Dijker, Anton J.M. (2008-03-01). "Why Barbie feels heavier than Ken: The influence of size-based expectancies and social cues on the illusory perception of weight". Cognition (sa wikang Ingles). 106 (3): 1109–1125. doi:10.1016/j.cognition.2007.05.009. ISSN 0010-0277. PMID 17599820. S2CID 26233026.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Anschutz, Doeschka J.; Engels, Rutger C. M. E. (2010-11-01). "The Effects of Playing with Thin Dolls on Body Image and Food Intake in Young Girls". Sex Roles (sa wikang Ingles). 63 (9): 621–630. doi:10.1007/s11199-010-9871-6. ISSN 1573-2762. PMC 2991547. PMID 21212808.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)