Pumunta sa nilalaman

Baryang dalawampung-sentimo ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dalawampung sentimo
Pilipinas
Halaga0.20 piso ng Pilipinas
Timbang4 g
Diyametro21.00 mm
GilidMala-tinubuan ng tambo
Komposisyon75% pilak, 25% tanso
Taon ng paggawa1864–1945
Obverse
DisenyoNakatayong babae na may taluktok at bulkang Mayon sa kaniyang likuran
Petsa ng pagkadisenyo1937
Reverse
DisenyoSagisag ng Komonwelt ng Pilipinas
Petsa ng pagkadisenyo1937

Ang baryang dalawampung sentimo (20¢) ng Pilipinas ay isang dating denominasyon ng piso ng Pilipinas. Ipinakilala nito noong panahon ng Espanyol sa Pilipinas, at tinuloy noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas hanggang ito ay itinigil noong 1945. Pansamantalang pinalit ito sa salaping papel na may parehong halaga nito hanggang ito ay pinalit sa baryang dalawampu't limang-sentimo ng Pilipinas noong 1958.

Panahon ng Espanyol (1864–1885)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong panahon ng pagkaupo bilang reyna na si Reynang Isabel II ng Espanya, ipinakilala ang baryang 20 sentimos para sa Pilipinas bilang pangkalahatang sirkulasyon. Ngunit ito ay kakaunting bilang lamang hanggang nagkaroon ng higit 1 milyong baryang ginawa noong taong 1868, na naging karaniwang taon sa uri ng baryang iyon.[1] Ipinagpatuloy naman ni haring Alfonso XII ng Espanya ang paggawa ng baryang iyon noong 1880 hanggang 1885.[2]

Panahon ng Amerikano (1903–1945)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinakilala noong 1903 ang baryang 20 sentimo noong panahon ng Amerikano sa bansa. Ito ay naglalaman ng 90% pilak at 10% tanso, mayroong timbang na 5.3849 gramo, at may diyametro na 23 milimetro.[3] Pinaliit naman noong 1908 ang baryang iyon na mayroong diyametro ng 20.86 milimetro, at naging 75% ang laman ng pilak sa baryang iyon.[4] Pagdating ng panahon ng Komonwelt ng Pilipinas, pinalitan ng sagisag sa likuran ng baryang iyon noong 1937, at natapos ang paggawa ng baryang iyon noong 1945.[5] Mula noon, hindi na ginagawa ang ganitong denominasyon ng baryang iyon hanggang magkaroon ng plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas na muling gawin ito.

Pilipinas noong panahon ng Amerikano
(1898–1935)
Isyu ng Komonwelt
(1935–1945)
Harapan
Likuran

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "20 Céntimos de Peso - Isabel II". en.numista.com. Nakuha noong 28 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "20 Céntimos de Peso - Alfonso XII". en.numista.com. Nakuha noong 28 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "20 Centavos (U.S. Administration)". en.numista.com. Nakuha noong 28 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "20 Centavos (U.S. Administration)". en.numista.com. Nakuha noong 28 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "20 Centavos (U.S. Administration)". en.numista.com. Nakuha noong 28 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)