Baryang dalawang-piso ng Pilipinas
Itsura
Pilipinas | |
Halaga | 2.00 piso ng Pilipinas |
---|---|
Timbang | 5.00 g |
Diyametro | 23.50 mm |
Gilid | Makinis (Seryeng Flora at Fauna) Malatinubuan ng tambo (Seryeng Pinahusay na Flora at Fauna) |
Komposisyon | Tanso-nikel (1983–1991) Hindi kinakalawang na bakal (1991–1994) |
Taon ng paggawa | 1861–1868 1983–1994 |
Obverse | |
Disenyo | Cocos nucifera (puno ng buko/niyog), halaga |
Petsa ng pagkadisenyo | 1991 |
Reverse | |
Disenyo | Pangalan ng republika, Andrés Bonifacio, taon ng paggawa. |
Petsa ng pagkadisenyo | 1991 |
Ang dalawang-pisong barya ng Pilipinas (₱2) ay isang denominasyon ng piso ng Pilipinas. Ito ay ginawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula noong 1983 hanggang 1994, at nawala na ng halaga noong taong 1998.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panahon ng Espanyol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinakilala noong taong 1861 ang baryang gintong dalawang-piso noong panahon ng Espanyol, na naglalaman ng 3.38 gramo ng 87.5% pinong ginto. Makikita si Isabel II sa harapan, at ang sagisag ng Espanya na may nakasulat na “REINA DE LAS ESPAÑAS” sa likuran.[2]
Kalayaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Seryeng Flora at Fauna; Ipinakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 1983 ang baryang dalawang piso na bahagi ng seryeng iyon. Sampunsulok ang hugis ng baryang iyon, mayroong diyametro na 31.0 milimetro at timbang na 12.0 gramo. Makikita sa harapan si Andrés Bonifacio at ang buko/niyog sa likurang bahagi.
- Seryeng Pinahusay na Flora at Fauna; Makikita pa rin ang parehong disenyo sa harapan at likuran ng baryang iyon, ngunit pinaliit ang diyametro nito sa 23.5 milimetro, at pinagaan ang timbang nito sa 5.0 gramo. Naging bilog ang hugis nito ay gawa sa hindi kinakalawang na bakal sa halip na tanso-nikel.
- Seryeng BSP; Hindi na isinama ang denominasyong iyon sa seryeng BSP na inilabas noong taong 1995. Tinanggal sa sirkulasyon noong ika-2 ng Enero 1998 ang mga baryang dalawang piso noong seryeng Flora at Fauna at Pinahusay na Flora at Fauna.[1]
Seryeng Flora at Fauna (1983–1990, 1991–1994) | |
---|---|
Harapan | |
Likuran |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Bangko Sentral ng Pilipinas - BSP Notes and Coins - History of Philippine Currency - Demonetized Coins - Improved Flora and Fauna Series". www.bsp.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2021. Nakuha noong 4 Oktubre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2 Pesos - Isabella II, Philippines". en.numista.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Oktubre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)