Baryang limang-sentimo ng Pilipinas
Pilipinas | |
Halaga | 0.05 piso ng Pilipinas |
---|---|
Timbang | 2.2 g |
Diyametro | 16.00 mm |
Kapal | 1.5 mm |
Gilid | Mala-tinubuan ng tambo |
Komposisyon | Nikel na tinubog sa bakal |
Taon ng paggawa | 1903–kasalukuyan |
Obverse | |
Disenyo | Denominasyon, pangalan ng bansa sa wikang Tagalog, taon, at inistilong hitsura ng watawat ng Pilipinas |
Petsa ng pagkadisenyo | 2017 |
Reverse | |
Disenyo | Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at halamang kapal-kapal baging |
Petsa ng pagkadisenyo | 2017 |
Ang baryang limang sentimo (5¢) ng Pilipinas ay ang pangalawang pinakamababang denominasyon sa piso ng Pilipinas, pagkatapos ng isang-sentimo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago ang kalayaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang ginawang baryang may halagang 1/20 ng piso noong panahon ng Espanyol sa Pilipinas, at 10 sentimo ang pinakamababang denominasyon ng barya sa peso fuerte ng Pilipinas. Gayumpaman, ang baryang pilak na 5-sentimo ng Mehiko, ay tinanggap sa Pilipinas sa parehong halaga.
Noong taong 1903 ginawa ang unang limang sentimong barya noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas, na nanalo pagkatapos ng digmaang Espanyol-Amerikano. Magkatulad sa mga baryang kalahati- at isang-sentimong barya ang larawang ginamit dito.
Makikita sa harapan ang katututbo sa bulkan, na may denominasyon ng barya sa itaas ng palibot nito, ang nakasulat na 'Filipinas' sa ilalim nito. Makikita naman sa likuran ang eskudo de armas ng Estadops Unidos at may nakasulat na 'United States of America' at ang taong inisyu ang baryang ito sa palibot ng baryang ito. [1]
Natapos noong 1928 ang paggawa ng unang barya nito, na may mas maliit na bersyon nito na ginawa noong 1930 hanggang 1935.[2] Binago ang eskudo de armas nito noong taong 1937, at huling ginawa nito noong 1945.[3]
Kalayaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong taong 1958, itinuloy ang paggawa ng mga baryang sentimo na may panibago nitong eskudo de armas sa likuran. Pinalitan ng 'Central Bank of the Philippines' ang palibot ng likuran ng barya nito.
Itinampok sa wikang Tagalog sa kauna-unahang pagkakataon noong taong 1969. Makikita sa harapan si Melchora Aquino, isang Pilipinang rebolusyonarya na kilala bilang Tandang Sora dahil sa kaniyang edad at ang kaniyang mga ambag. Sa likuran nakasulat ang 'Republika ng Pilipinas' at ang taon ng pag-isyu sa palibot ng barya.
Ang baryang tampok si Melchora Aquino at may walong sulok na bulaklakin ang hugis ay ginawa noong taong 1975 hanggang 1983. Nilipat sa harapan ang pangalan ng Republika, at nakaharap na sa kaliwa si Aquino. Makikita sa likuran ang nakaukit na 'Ang Bagong Lipunan' at ang dati nitong sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Inisyu noong taong 1979 hanggang 1982 ang mayroong marka sa barya nito.
Kulay-pilak ang baryang inisyu noong taong 1983 hanggang 1993, na itinampok muli si Aquino, at ang denominasyon nito ay nilipat na sa likuran na may petsa sa harapan nito.
Seryeng BSP
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inisyu noong 1995 hanggang 2017, gawa sa tansong tinubog sa bakal at walang tao sa baryang ito. Makikita sa harapan ang pangalan ng republika, ang denominasyon, at ang taon kung kailan ito ginawa. Makikita naman sa likuran ang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ginawa noong taong 1993.
Seryeng Bagong Henerasyong Pananalapi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inisyu mula noong 2018, makikita sa harapan ang nakaistilong representasyon ng bandila ng Pilipinas: ang tatlong tala at ang araw; ang pangalan ng republika, denominasyon, at taon ng pag-isyu. Makikita naman sa likuran ang bulaklak na Kapal-kapal Baging (Hoya pubicalyx) at ang kasalukuyang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Seryeng Ingles (1958–1967) |
Seryeng Pilipino (1969–1974) |
Seryeng Ang Bagong Lipunan (1975–1983) |
Seryeng Flora at Fauna (1983–1994) |
Seryeng BSP (1995–2017) |
Seryeng Bagong Henerasyong Pananalapi (2018–kasalukuyan) | |
---|---|---|---|---|---|---|
Harapan | ||||||
Likuran |