Bedspacers
Ang BEDSPACERS ay isang pelikula tungkol sa buhay ng mga estudyante na galing sa probinsiya at nag-aaral sa Maynila. Ito'y isang pelikulang, bagama't pangkalakalan (commercial) ang pagkakagawa, ay punung-puno naman ng katotohanan at nakakapalooban ng mga tagpong mahirap malimutan. Ginampanan ito ng mga "Regal Babies" na sina Alma Moreno, Al Tantay, Amy Austria, Orestes Ojeda, Rio Locsin, Mark Gil, Tet Antiquiera at ipinakilala ang isang bagong bituin, si Deborrah Sun. Mula sa panulat ng komiks at TV writer na si Jose Mari Lee at sa direksiyon ni Joey Gosiengfiao. Ito'y produksiyon ng Regal Films.
Ang isang tagpong napakaganda sa pelikulang ito ay ang komprontasyon ng mga tauhang ginampanan nina Al Tantay at Alma Moreno. Napakalas ng ulan sa eksenang ito at nag-aabang si Rudy (Al Tantay), sa labas ng bedspacing house ng mga kalalakihan. Isang taxi ang huminto at mula roon ay bumaba si Nadia (Alma Moreno), at nagmamadaling tumakbo patungo sa bedspacing house ng mga kababaihan. Dito siya hinarap ni Rudy at isang komprontasyon ang naganap. Nagwakas ang komprontasyong ito sa Isang malakas na sampal na ibinigay ni Rudy kay Nadia. Ito ang isang tagpo sa pelikulang ito na tunay na napaka-cinematic at mahirap malimutan.
Makapgil-hininga rin ang "Gang Rape scene" kay Rio Locsin na kung saan tatlong naggaguwapuhang mga kabataang lalaki ang humalay sa kanya, na parang tulad sa nangyari sa isang napakainit na headline noon, ang Forbes Park Rape Case. Ang eksenang ito ay maihahambing sa mga eksena ng mga pelikula ni Pedro Almodovar. Nauna nga lamang ginawa itong Bedspacers kaysa alinmang pelikula ni Almodovar.
Isa pang kahila-hilakbot na tagpo sa pelikulang ito ay ang pagpapakamatay ng tauhang ginampanan ni Mark Gil, na tumalon mula sa bubong ng San Sebastian College.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.