Pumunta sa nilalaman

Begonia noraaunorae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Begonia noraaunorae
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Cucurbitales
Pamilya: Begoniaceae
Sari: Begonia
Espesye:
B. noraaunorae
Pangalang binomial
Begonia noraaunorae
Blasco, Tandang, Alejandro & Rubite[1][4]
Distribusyon ng Begonia noraaunorae sa Pilipinas (Mindanao).
Cortes, Surigao del Sur is located in Mindanao
Cortes, Surigao del Sur
Cortes, Surigao del Sur
Distribusyon ng B. noraaunorae sa Mindanao (Surigao del Sur).

Ang Begonia noraaunorae ay isang endemikong species ng Begonia na matatagpuan sa Surigao del Sur, isla ng Mindanao, sa Pilipinas.[1][1][4] Ang species na ito ay inihambing sa B. negrosensis Elmer, kung saan ito ay hawig sa mga tangkay nitong glabrous o walang buhok , mga dahon na hugis obovate o oblong at may kalat-kalat na mga buhok, ang lamina na may makintab na ibabaw at mapusyaw na berde abaxially o ilalim, ang staminate na bulaklak na may 2 tepal, ang pistillate na bulaklak na mayroong 5 tepal, at ang mga berdeng obaryo.[1][2] Gayunpaman, ang species na ito ay naiiba sa B. negrosensis sa pamamagitan ng mas malalaking dahon nito na may mga nakakalat na mapusyaw na berdeng patse, mas maiikling tangkay, mas malaki, may ngipin na lamina, hugis ng mga tepal ng staminate na bulaklak, at mas mahabang obaryo na walang mga napapailalim na mga bracteole.[1][2] Ang species ay ipinangalan sa Filipinang aktres at Pambansang Alagad ng Sining na si Nora Aunor.[1][2] Ang species ay inuri sa ilalim ng pamantayan ng IUCN Red List bilang Vulnerable.[1][2][3][4]

Ang species na ito ay namumulaklak at namumunga sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo.[1][2]

Ang species na ito ay pinangalanan upang parangalan si Nora Aunor para sa kanyang mga tagumpay sa industriya ng entertainment. Ipinanganak bilang Nora Cabaltera Villamayor, siya ay isang film producer, TV host, aktor, mang-aawit, pilantropo, at may-gawad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Arte sa Brodkast (ang pinakamataas na pambansang pagkilala na ibinibigay sa isang Pilipinong artista).[1][2][3]

Distribusyon at ekolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Begonia noraaunorae ay matatagpuan sa mga batong apog sa mga semi-shaded na broadleaf na kagubatan.[1][2][3] Ang species ay endemiko sa lalawigan ng Surigao del Sur, Caraga Region, sa Silangang bahagi ng Mindanao, sa Pilipinas. Ito ay tumutubo sa taas na 30 metro sa ibabaw ng antas ng dagat sa bayan ng Cortes, Surigao del Sur.[1][4]

Pangalan sa katutubong wika at gamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang species ay kilala sa lokal na pangalan na amampang o bilang amamampang, isang Bisaya at Subanen na termino na nangangahulugang lumalaki sa isang bangin.[1][3] Ayon sa lokal na kaalaman, ang mga dahon ng species ay ginagamit upang gamutin ang ubo. Bukod pa rito, ang mga batang dahon ay nakakain, at ginagamit bilang pampalasa sa pagluluto ng paksiw.[1][2]

Iminungkahing katayuan sa konserbasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang populasyon ng species na ito ay natagpuan malapit sa highway, at ang koleksyon nito para sa pagkonsumo ay naglalagay nito sa mga aktibidad na antropogeniko. Ito ay kilala lamang mula sa uring lokalidad, na may kabuuang maliliit at matatandang populasyon sa 4 na mga site na wala pang 1000 na indibidwal. Kaya ito ay tinasa bilang Vulnerable ayon sa pamantayan ng IUCN Red List.[1][2][3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14 "Begonia noraaunorae Blasco, Tandang, Alejandro & Rubite 2023, sp. nov. - Plazi TreatmentBank". treatment.plazi.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 Blasco, Freddie A.; Tandang, Danilo N.; Alejandro, Grecebio Jonathan D.; Bucay, Mark Angelo C.; Cortes, Junelito C.; Rubite, Rosario R. (2023-10-13). "Begonia noraaunorae (section Petermannia, Begoniaceae) a new species endemic to Surigao del Sur, Mindanao Island, Philippines". Phytotaxa (sa wikang Ingles). 620 (2): 193–197. doi:10.11646/phytotaxa.620.2.8. ISSN 1179-3163. S2CID 264051814.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 "3 bagong species ng 'Begonia,' nadiskubre sa Luzon, Mindanao". Balita - Tagalog Newspaper Tabloid (sa wikang Ingles). 2023-11-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-21. Nakuha noong 2023-12-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 Pelser, Pieter; Barcelona, Julie; Nickrent, Daniel (2011–2023). "Begoniaceae". Co's Digital Flora of the Philippines. Nakuha noong 2023-12-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]