Pumunta sa nilalaman

Bekikang: Ang Nanay Kong Beki

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bekikang: Ang Nanay Kong Beki
DirektorWenn V. Deramas
Itinatampok sina
MusikaVincent de Jesus
SinematograpiyaElmar Despa
Produksiyon
TagapamahagiStar Cinema
Inilabas noong
  • 23 Oktubre 2013 (2013-10-23)
BansaPhilippines
Wika
  • Tagalog
  • English
KitaP 14,101,310.40

Bekikang: Ang Nanay Kong Beki ay isang pelikulang Pilipino na prinodyus ng Viva Films noong 2013. Ito ay may temang drama at komedya kung saan tinatalakay ang paksang LGBT. Ito ay nasa direksyon ni Wenn V. Deramas, kung saan hinango sa kanyang tunay na buhay.

Ang pelikulang ito ay tungkol kay Bekikang, o Beki, isang baklang naging mapag-arugang magulang sa anak ng kanyang love interest na si Fortune. Ito'y hango sa tunay na buhay ni Wenn Deramas.

Nang inapi siya ng mga kalaban dahil sa kanyang kalagayan, itinuro siya ng kanyang amang si Gorio (Tirso Cruz III) na lumaban at ipagtanggol ang kanyang sarili. Si Beki ay mapag-alaga, masipag at responsable sa kanyang mapagmahal na mga magulang na sina Gorio at Maristella (Janice de Belen) na namatay dahil sa isang sakit. Si Beki ay nagtitinda ng balut kasama ang kanyang mga kaibigan. Isang araw, nakita nina Beki at mga kaibigan ang isang napakagwapong lalake na inapi ng mga bully at nangangailangan ng tulong. Nanindigan si Beki para ipagtanggol siFortunato (Tom Rodriguez) na naging kanyang love interest. Subalit, nabighani si Fortunato sa isang waitress, si Natalie (Carla Humphries),sa isang karinderyang nakasama si Beki. Di naglaon ay nainggit si Beki kay Natalie. Sa kasamaang-palad, binuntis ni Fortunato si Natalie, at si Beki ay naging sangkot sa pag-aalaga sa sanggol matapos pinasya ni Natalie na iwanan si Fortunato para mag-Japan.

Tinanggap ni Beki ang kanilang sanggol at tinuring niya na parang sarili niyang anak, matapos niyang nalamang naghiwalay na sina Fortunato at Natalie. Nagpasya din si Fortunato na makipagsapalaran sa ibang bansa para magtrabaho. Hindi interesado ang bagong asawa ni Gorio at kanyang anakl na babae kay Beki, ngunit ang bunsong hating-kapatid ay naging mabait kay Beki. Pinalayas ni Anacleta si Beki sa kanyang mismong bahay. Doon nagkaroon ng bagong bahay at bagong buhay para sa kanya at sa kanyang anak, kasama ang mga matalik niyang kaibigan. Doon, inalagaan ni Beki ang kanyang anak sa tulong ng kanyang mga kaibigan hanggang dumating ang tunay na mga magulang ng bata, sina Fortunato and Natalie. Nagkabalikan sina Fortunato at Natalie at nais niyang kunin ang kanilang anak na matagal nang mawalay.

Makukuha ba kaya ni Fortunato at Natalie ang kanyang anak kay Bekikang, o panindigan ni Beki ang karapatan niya bilang magulang?

Mga Nagsiganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahing pagganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Tirso Cruz III bilang Gorio
  • Lassy Marquez bilangTomas
  • Atak Arana bilang Entoy
  • Nikki Valdez bilang Samantha
  • Malou de Guzman bilang Anacleta
  • Maricar de Mesa bilang Mariana
  • Miguel Aguila bilang Mandy
  • Manuel Chua bilang Dado
  • Rubi Rubi bilang Lydia (may-ari ng karinderya)
  • Jeff Luna bilang katulong ni Lydia
  • Debraliz bilang Trudis

Sa espesyal na pagganap:

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Janice de Belen bilang Maristella
  • Maricel Soriano bilang Saleslady
  • Andi Eigenmann bilang sorbetera
  • Iza Calzado bilang Doktor
  • Dingdong Dantes bilang isang bading na dumadaan
  • Ate Gay bilang Midwife
  • Dey-Dey Amansec bilang batang Beki
  • Bea Basa bilang batang Samantha
  • Abby Bautista bialng batang Mariana
  • Michael Roy Jornales bilang Fight Instructor
  • Frank Garcia bilang asawa ni Samantha
  • Carmen Del Rosario bilang Yaya/Kasambahay
  • Jhiz Deocareza bilang isang bully
  • Eagle Riggs bilang Gay Beauty Pageant Host

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

*https://www.imdb.com/title/tt3281892/

*https://entertainment.inquirer.net/118355/bekikang-shines-spotlight-on-unconventional-families