Pumunta sa nilalaman

Justin Bieber

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Belieber)
Justin Bieber
Justin Bieber, 2015.
Justin Bieber, 2015.
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakJustin Drew Bieber
Kapanganakan (1994-03-01) 1 Marso 1994 (edad 30)[1]
PinagmulanLondon, Ontario, Canada
GenrePop, R&B[2]
TrabahoMang-aawit, manunulat ng awitin, mananayaw
InstrumentoBoses, gitara, piyano, tambol,[3] trumpeta[4]
Taong aktibo2007–kasalukuyan
Label[[::en::Island Records|Island]], RBMG
WebsiteOpisyal na sityo

Si Justin Drew Bieber ( /ˈbbər/; ipinanganak noong 1 Marso 1994)[1][5] ay isang Kanadyanong mang-aawit, manunulat ng mga awit, at prodyuser ng mga rekord.[2] Inilabas ni Bieber ang kanyang lunsarang album, ang My World, noong huling bahagi ng 2009. Ito ay ginawaran ng platinum na pagkilala sa Estados Unidos.[6] Siya ang naging unang mang-aawit na nagkaroon ng pitong awitin mula sa isang lunsarang talaang rekord sa Billboard Hot 100.[7] Inilabas ni Bieber ang kanyang unang full-length studio album, ang My World 2.0, noong 2010. Ito ay nag-umpisa o halos nagsimula sa numero uno sa maraming mga bansa at ginawaran ng tripleng platinum na pagkilala sa Estados Unidos.[6] Ito ay sinundan ng kanyang pinakamatagumpay na isahang awit hanggang sa kasalukuyan, ang "Baby".[6][8]

Kasunod ng kanyang lunsarang album, nagkaroon siya ng kanyag unang lakbay-konsiyerto, ang My World Tour; naglabas ng mga remix album na My Worlds Acoustic at Never Say Never – The Remixes—at ang pelikula-konsiyertong 3D biopic na Justin Bieber: Never Say Never. Inilabas niya ang kanyang ikalawang studio album, ang Under the Mistletoe, noong Nobyembre 2011, kung saan nag-umpisa itong numero uno sa Billboard 200. Inilabas ni Bieber ang kanyang ikatlong studio album, ang Believe, noong 2012. Ang kanyang ikaapat na album na Purpose ay inilabas naman noong Nobyembre 2015. Ang kanyang album sa US at ang benta ng mga isahang awit ay may kabuuang 44.7 milyon.[6][8]

Nanalo siya ng mga gantimpala mula sa pagboto ng mga tagahanga, kasama na ang pagiging Mang-aawit ng Taon sa American Music Awards noong 2010 at 2012. Ang kanyang pangkat ng mga tagahanga, na binansagang "beliebers", ay binubuo ng malaking bahagi ng mga kabataang babae. Naitalà siya nang tatlong ulit ng magasing Forbes bilang isa sa sampung pinakamakapangyarihang mga artista sa daigdig sa taóng 2011, 2012, at 2013.[9]

Maagang pamumuhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Bieber noong 1 Marso 1994 sa London, Ontario sa St Joseph's Hospital, at lumaki sa Stratford, Ontario. Siya ang nag-iisang anak nina Jeremy Jack Bieber at Patricia "Pattie" Mallette. Hindi kailanman ikinasal ang mga magulang ni Bieber. Pinalaki ni Pattie ang kanyang anak katuwang ang kanyang ina na si Diane, at ng kanyang amain na si Bruce. Ang kanyang ina ay may lahing Pranses-Kanadyano; ang kanyang lolo sa tuhod sa kanyang ama ay may lahing Aleman; ang kanyang ibang lahi ay Ingles at Irlandes. Nabanggit din niya na naniniwala siyang may lahi rin siyang Aboriginal Canadian. dadawd tid sa ama si Bieber, sina Jazmyn (ipinanganak noong 2009) at Jaxon (ipinanganak noong 2010). Maraming pinasukang trabaho si Pattie upang mapalaki si Bieber. Patuloy pa ring may ugnayan sina Bieber at kanyang ama.

Pumasok si Bieber sa isang mababang paaralang nakatutok sa wikang Pranses sa Stratford, sa Jeanne Sauvé Catholic School. Sa kanyang paglaki, natutuhan niyang tumugtog ng piyano, tambol, gitara, at trumpeta. Nagtapos siya sa mataas na paaralan sa Stratford, Ontario, sa St. Michael Catholic Secondary School noong 2012 na may gradong 4.0 na GPA. Noong unang bahagi ng 2007, inawit ni Bieber ang awitin ni Ne-Yo na "So Sick" para sa isang lokal na patimpalak sa Stratford, na naglagay sa kanya sa ikalawang puwesto. Ipinaskil ni Mallete ang bidyo ng kanyang pagganap sa YouTube upang makita ng kanilang pamilya at mga kaibigan. Nagpatuloy siya sa pagkakarga ng mga bidyo ni Bieber na umaawit ng iba't ibang mga awiting R&B, at dahil dito'y lumawak ang pagsikat ni Bieber sa nasabing sityo.

Karera sa Musika

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Bieber noong Setyembre 2009.

Nadiskubre siya ni Scooter Braun sa YouTube, hanggang naging tagapamahala niya. Pinalipad ni Braun si Bieber sa Atlanta, Georgia, upang sangguniin si Usher hanggang naglagda ng isang kasunduan sa Island Records, na sinimulan niya ang karera bilang mang-aawit.[3] ng kanyang dalawang-parteng[10] unang album na My World ay inilabas sa 17 Nobyembre 2009.[11] Apat na awitin tulad ng "One Time", "One Less Lonely Girl", "Love Me", at "Favorite Girl" ay naging matagumpay sa ilang chart sa buong mundo. Ang album nito ay nakatanggap ng positibong pagsusuri mula sa mga kritiko, at nakapasok sa #6 sa U.S. Billboard 200,[12] nakabenta ng 137,000 na kopya sa isang linggo,[13] na naging pangalawang pinakamabuting paglalabas para sa bagong artista.[10][14] Si Bieber ay naging pinakaunang artista na lahat ng mga awitin niya mula sa single album na pasok sa U.S. Hot 100.[10] Sa unang salta ay nanguna ito at naging #1 sa Canadian Albums Chart, at naging ginto sa isang linggo.[15][16] Ilang linggo na pagkatapos nilabas sa merkado nagsertipiko ng Platinum sa Canada, at sa hindi lalagpas sa dalawang buwan, nagsertipikong Platinum sa Estados Unidos, nakabenta na mahigit sa isang milyong mga kopya.[17][18] Ang My World 2.0 ay tinakdang ilalabas sa Marso 2010, ang awiting "Baby" ay inilabas sa 18 Enero 2010. Ikinulong siya dahil umano sa kasong DUI o Driving Under the Influence at Drag Raicing ngunit hindi ito totoo.[kailangan ng sanggunian] Ikinulong lamang siya dahil sa kaniyang pasong lisensya. Ang kaniyang bagong album sa ngayon (2014) ay Journals.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Bieber ay nagkaroon ng ilang mga run-in sa batas sa buong mundo bago ang kanyang unang pag-aresto sa 2014.[19]

Si Bieber ay kabilang ang kapag siya ay inakusahan ng walang ingat sa pagmamaneho sa kanyang distrito sa 2012, at sisingilin sa Brazil na may Vandalismo sa 2013.[19][20]

Sinusundan si Bieber sa DUI, nagpetisyon higit sa 270,000 mga tao ang White House naghahangad na may kanya-deport mula sa Estados Unidos. Kahit na ang bilang ng mga lagda na natanggap ay sapat upang mangailangan ng isang tugon sa ilalim ng nai-publish na mga alituntunin ng White House; ito ay nakasaad ni Obama ay tinanggihan mahalagang puna sa petisyon.[21]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Justin Bieber Bio on MTV UK". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-27. Nakuha noong 2010-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Collar, Matt. "allmusic ( (( Justin Bieber > Overview )))". Allmusic. Macrovision Corporation. Nakuha noong 2009-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Mitchell, Gail (2009-04-28). "Usher Introduces Teen Singer Justin Bieber". Billboard. Nakuha noong 2009-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "MTV- Justin Bieber artist profile". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-06. Nakuha noong 2009-12-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. inogolo:paraan ng pagbigkas ng Justin Bieber.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 "Justin Bieber". riaa.com. RIAA. Nakuha noong 2015-12-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  7. "Justin Bieber Fever Hits Miami". CBS News. CBS Corporation. Pebrero 5, 2010. Nakuha noong Marso 27, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Lipshutz, Jason (Agosto 27, 2015). "Justin Bieber, on the Comeback Trail, Back in 'Good Graces' of Fans and Industry". Billboard. Prometheus Global Media. Nakuha noong Agosto 27, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Forbes 100:
  10. 10.0 10.1 10.2 "Justin Bieber reigns supreme!". Def Jam. Nakuha noong 2010-02-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Justin Bieber: Ibig lang liwanagin ang tsismis ." Twitter. Nakuha noong 2010-02-03. {{cite web}}: |first= has generic name (tulong); |first= missing |last= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Billboard 200, Week of 5 Disyembre 2009". Nielsen. 2009-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "John Mayer tops album chart; Norah Jones and Justin Bieber, hindi naman hamak". Entertainment Weekly. 2009-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Justin Bieber Twitter Status, 26 Nobyembre 2009". Justin Bieber, Twitter. Nakuha noong 2010-02-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Canadian Albums Chart, Linggo ng 5 Disyembre 2009". Nielsen. 2009-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Justin Bieber's Leg Breaks Before His Voice Does, Nobyembre 25th, 2009". celebrifi.com. 2010-02-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-06. Nakuha noong 2010-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Anderson, Kyle (2009-12-23). "Justin Bieber Nagbalik sa Bansa Upang Haranahin ang mga Tagahanga para sa Holidays". MTV.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-15. Nakuha noong 2009-12-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Justin Bieber RIAA album certifications". RIAA. Nakuha noong 2010-01-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 Anderson, Curt and Kay, Jennifer. "Bieber's image: From boy-next-door to bad boy". Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-19. Nakuha noong 2015-11-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  20. "Justin Bieber on Miami drink-drive charge after 'road racing'". BBC News. Enero 23, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 19, 2014. Nakuha noong 2015-11-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. ""White House Responds To 'Deport Justin Bieber' Petition, Refuse To Comment"". ENTmania.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-02. Nakuha noong 2015-11-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)