Pumunta sa nilalaman

Sayaw sa silangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Belly dance)
Isang "mananayaw ng tiyan". Iginuhit ito ng dibuhistang si Gérôme, Jean-Léon.

Ang pagsasayaw ng tiyan ay isang uri ng tradisyunal na anyo ng sayaw sa silangan o sayawin sa silangan na nagmula sa Gitnang Silangan ng Asya. Tinatawag itong "sayaw ng tiyan" o "pagsasayaw ng puson" (Ingles: belly dancing) sa Kanluran, partikular na sa Estados Unidos, sapagkat kamangha-mangha at mas napapansin sa sayaw na ito ang namumukod na maalindog na paggalaw ng tiyan ng mananayaw, bagaman gumagalaw din ang ibang bahagi ng katawan; kaya tinatawag ding mananayaw ng tiyan o mananayaw ng puson (Ingles: belly dancer) ang may kaalaman o nagtatanghal ng sining na ito.

Sa Arabe, kilala ito bilang raqs sharqi (رقص شرقي, binibigkas na raks syarki, ang "sayaw sa oryente," o ang "sayaw sa silangan") o kaya raqs baladi (رقص بلدي, binibigkas na raks baladi, ang "pambansang sayaw," "pambayang sayaw," "sayawing bayan," o "sayaw ng bayan"). Pinaniniwalaang nagmula ang terminong raqs sharqi sa Ehipto. Sa Gresya at sa mga Balkan, tinagurian itong tsiftetelli (τσιφτετέλι). Isang likha ng kaisipang Oryentalismo ang katawagan sa Ingles na belly-dance noong 1899, isang pagsasalin ng pariralang Pranses na danse du ventre.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ang Danse du Ventre ay isang katawagang kolonyal na ibinigay para sa mga sayawing pambabae sa Hilagang Aprika at Gitnang Silangan, mula kay Carlton, Donna. Looking For Little Egypt, Bloomington, Indiana: IDD Books (1994): ix.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.