Beni, Demokratikong Republika ng Congo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Beni
Bahagi ng Nationale 2, pangunahing lansangan ng lungsod ng Beni
Bahagi ng Nationale 2, pangunahing lansangan ng lungsod ng Beni
Beni is located in Democratic Republic of the Congo
Beni
Beni
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo
Mga koordinado: 0°30′N 29°28′E / 0.500°N 29.467°E / 0.500; 29.467
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganHilagang Kivu
Pamahalaan
 • MayorJules Nungwana
Populasyon
 (2013)
 • Kabuuan231,952
KlimaAf

Ang Beni ay isang lungsod sa hilaga-silangang Demokratikong Republika ng Congo, matatagpuan sa kanluran ng Pambansang Parke ng Virunga at ang Bulubundukin ng Ruwenzori, sa dulo ng Kagubatan ng Ituri. Tahanan ito ng isang pamilihan, isang paliparan, at ng Christian Bilingual University of Congo (UCBC). Magmula noong 2013 mayroon itong tinatayang populasyon na 231,952 katao.[1]

Mayroon ding maraming mga base ng MONUC ang Beni. Nakabase rito ang mga elemento ng North Kivu Brigade na pinamumunuan ng Indiya.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang lungsod ng Beni ay naging tagpo ng mararahas na labanan noong Ikalawang Digmaang Congo, taong 2001.

Sa pagitan ng Oktubre 2014 at Mayo 2016 higit sa 500 katao ang namatay sa mga serye ng pag-atake sa Beni at mga karatig-pook nito na isinisi sa mga Islamistang manghihimagsik na taga-Uganda.[2] Naganap dito ang masaker sa Beni noong Agosto 2016.

Magmula noong Disyembre 2018 sumailalim ang Beni sa higit na 200 kaso ng sakit na Ebola ayon sa Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO).[3]

Mga komyun[baguhin | baguhin ang batayan]

May apat na mga komyun (o mga munisipalidad) ang lungsod ng Beni:

  • Beni
  • Bungulu
  • Muhekera
  • Ruwenzori

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Institut National de la Statistique (November 2014). "Superficie et Densité de la Population en 2013". Bulletin Annuel des Statistiques Sociales, Province du Nord-Kivu (2013): 19.
  2. "Congo police arrest at least four activists protesting massacres". SABC. 14 Mayo 2016. Nakuha noong 17 Mayo 2016.
  3. WHO - World Health Organisation. WHO - World Health Organisation https://www.who.int/csr/don/13-December-2018-ebola-drc/en/. Nakuha noong 17 Disyembre 2018. Missing or empty |title= (tulong)

Mga koordinado: 0°30′N 29°28′E / 0.500°N 29.467°E / 0.500; 29.467