Pumunta sa nilalaman

Best Song Ever (awitin ng One Direction)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
"Best Song Ever"
Awitin ni One Direction
mula sa album na Midnight Memories
B-side
Nilabas22 Hulyo 2013 (2013-07-22)
Nai-rekord2013
TipoPower pop
Haba3:22
Tatak
Manunulat ng awit
  • Wayne Hector
  • John Ryan
  • Haille Walker
  • Julian Bunetta
  • Ed Drewett
ProdyuserJulian Bunetta[1]
Music video
"Best Song Ever" sa YouTube

Ang Best Song Ever ay awitin ng pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction. Opisyal itong inilunsad sa publiko ng Syco Music at Columbia Records noong ika-22 ng Hulyo 2013[2] bilang punong awit (lead single) ng ikatlong studio album ng grupo, ang Midnight Memories. Ito rin ang opisyal na awitin ng pelikula-dokumentaryo ng nasabing banda, na may pamagat na One Direction: This Is Us. Inirekord ng banda ang awitin noong 2013 at tumatakbo ito ng 3 minuto at 21 segundo. Inanunsiyo ito ng One Direction sa isang bidyong kanilang ikinarga sa kanilang channel sa YouTube noong ika-25 ng Hunyo 2013. Inilabas din ang trailer ng nasabing pelikula tatlumpung minuto makalipas ikarga ang bidyo, at kasama nito ang maikling pasilip (preview) sa kanta. Nagsimulang ipagbili nang di-pa nailalabas (available for pre-order) ang awitin sa iTunes noong ika-26 ng Hunyo. Nakasama ang awit sa box set ng Gantimpalang Brit (Brit Awards), ang 2014 BRIT Awards.[3]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "One Direction's 'Best Song Ever' Revealed: Is It The Who?". MTV News. 18 Hul 2013. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Agosto 2013. Nakuha noong 16 Ago 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Brandle, Lars (26 Hun 2013 05:18 EDT). "One Direction Tease 'Best Song Ever,' Release New Movie Trailer". Billboard. Nakuha noong 24 Ago 2013. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. "BRITs Awards 2014: The Album - Out Now". Brit Awards. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-12-09. Nakuha noong 2015-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)