Bigat molar

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bigat molar
Kadalasang simbulo
mol
Yunit SI kg/mol
Ibang yunit
g/mol

Sakimika, ang bigat molar M ay isang pisikal na katangian. Ito ay ang bigat ng isang binigay na sabstans (elementong kemikal o kompuwestong kemikal) na hinahati sa taglay na sabstans.[1] Ang batayang yunit SI para sa bigat molar ay kg/mol. Subalit, kadalasang ginagamit ang g/mol bilang ekspresyon ng bigat molar.

Halimbawa, ang bigat molar ng tubig ay: M(H2O) ≈ 18 g/mol.

Bigat molar ng mga elemento[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Relatibong masang atomiko

Ang bigat molar ng isang atomo ng isang elemento ay naibibigay ng batayang relatibong masang atomiko ng isang elemento[2] na pinaparami (multiplied) ng konstant na bigat molar, Mu = 1 × 10−3 kg/mol = 1 g/mol:

M(H) = 1.007 97(7) × 1 g/mol = 1.007 97(7) g/mol
M(S) = 32.065(5) × 1 g/mol = 32.065(5) g/mol
M(Cl) = 35.453(2) × 1 g/mol = 35.453(2) g/mol
M(Fe) = 55.845(2) × 1 g/mol = 55.845(2) g/mol.

Nasisiguro na kapag pinarami (multiplied by) gamit ang konstant na bigat molar na ang kalkulasyon ay tama sa aspektong dimensyonal: ang batayang relatibong masang atomiko ay walang dimensyonal na kantidad (i.e., purong numero) habang ang bigat molar ay mayroong yunit (sa kasong ito, grams/mole).

Ang ilang elemento ay makikita bilang molekula, e.g. Hydrogen/Hidroheno (H2), Sulfur/Asupre (S8), Chlorine/Kloro (Cl2). Ang bigat molar ng mga molekula ng mga elementong ito ay ang bigat molar ng kanilang atomo na pinaparami (multiplied by) ng bilang ng atomo sa bawat molekula:

M(H2) = 2 × 1.007 97(7) × 1 g/mol = 2.015 88(14) g/mol
M(S8) = 8 × 32.065(5) × 1 g/mol = 256.52(4) g/mol
M(Cl2) = 2 × 35.453(2) × 1 g/mol = 70.906(4) g/mol.

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]