Pumunta sa nilalaman

Bilanggo sa Vaticano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Isang bilanggo sa Vaticano o bilanggo ng Vaticano (Italyano: Prigioniero del Vaticano; Latin: Captivus Vaticani[1]) ang turing ng Santo Papa sa sarili buhat ng pagkubkob ng Roma ng mga sandatahang lakas ng Kaharian ng Italya noong 20 Setyembre 1870 hanggang sa Tratadong Letran noong 11 Enero 1929.[2] Bahagi ng proseso ng pag-iisang Italyano, ang pag-agaw ng lungsod ay nagtapos sa isang sanlibong taon na temporal na kapangyarihan ng mga papa sa gitnang Italya at pinayagan ang Roma na italaga bilang kabesera ng bagong bansa. Bagaman hindi sinakop ng mga Italyano ang mga teritoryo ng burol Vaticano na nilimitahan ng mga Pader Leonina at inalok ang paglikha ng isang lungsod-estado sa lugar, tinanggihan ng mga Papa mula kay Pio IX hanggang Pio XI ang panukala at inilarawan ang kanilang sarili bilang mga bilanggo ng bagong estado ng Italya .

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kertzer, David (2004). Prisoner of the Vatican. Boston: Houghton Mifflin Company. ISBN 0-618-22442-4.
  1. "Mobilna INTERIA.PL". m.interia.pl. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-13. Nakuha noong 2020-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. David I. Kertzer, Prisoner of the Vatican (Houghton Mifflin Harcourt 2006 ISBN 978-0-54734716-5