Pumunta sa nilalaman

Mesang Bilog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bilog na Mesa)
Ang pamumuno ni Haring Arturo sa Mesang Bilog.

Ang Bilog na Mesa ay isang mesa na ginamit ni Haring Arturo at kaniyang mga kabalyero sa mga alamat na patungkol sa kaniya. Ang Mesang Bilog ay nasa Camelot, sa loob ng kastilyong pinaninirahan ni Haring Arturo at ng kaniyang mga kabalyero. Ayon sa mga alamat, nagpupulong sila sa harap ng mesa upang talakayin ang katayuan ng kaligtasan ng Camelot at ng kaharian, at ukol na rin sa maisasagawa nilang mga pakikipagsapalaran at mga paglalakbay. Ang mesang ito ang dahilan kung bakit nakuha nila ang pangalang Ang mga Kabalyero ng Mesang Bilog.

Ang husig ng mesa ay napakahalaga. Ang karamihan ng mga messa ay parisukat, at mayroong isang lugar na tinatawag bilang "ulo ng mesa". Ito ang makitid na bahaging nasa tuktok, kung saan karaniwang nauupo ang pinuno. Dahil sa bilog ang mesa, nangangahulugan na ang mga tao na nakaupo sa paligid nito ay tinatanaw bilang magkakapantay.

Ang mesa ay ginamit ni Haring Arturo at ng kaniyang mga kabalyero. Ang asawa ni Haring Arturo na si Guinevere ay walang upuan sa mesa, subalit kinukuha ni Haring Arturo ang payo ni Guinevere paminsan-minsan. Sa ilang mga bersiyon ng alamat, ang salamangkerong naninirahan sa Camelot na si Merlin ay mayroong ding isang upuan sa mesa. Tinatanaw si Merlin ni Haring Arturo bilang isang mabuting kaibigan at tagapayo.

Upuang Mapanganib

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroon ding ilang mga alamat na mayroong isang natatanging upuan sa Mesang Bilog na tinatawag bilang Siege Perilous o "Mapanganib na Upuan". Ayon sa mga bersiyon na ito ng alamat ni Haring Arturo, ang silya ay maaari lamang gamitin ng isang kabalyerong mayroong isang dalisay na puso. Ang isang taong may pusong wagas ay tinatanaw bilang isang tao na hindi nakagawa ng anumang krimen o hindi nakaga ng anumang kamalian. Sa salaysay, ang sinumang umupo sa upuan na walang pusong puro ay kaagad na mamamatay. Inilalalaan ni Merlin ang upuang ito sa tao na balang araw ay mahahanap ang bagay na kung tawagin ay Banal na Kopita (ang Holy Grail). Isa itong kopa na ipinapalagay na pinag-inuman ni Hesus habang nagaganap ang Huling Hapunan. Sa kuwento, ang taong makakaupo sa upuan ay maaaring si Sir Gallahad o kaya ay si Sir Perceval, na nakasalalay sa bersiyon ng kuwentong isinasalaysay.

Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.