Bisaya Magasin
Ang Bisaya Magasin ay isang lingguhang magasin na nasa wikang Sebwano na nilalathala, sa ngayon, ng Manila Bulletin Publishing Corporation sa Pilipinas. Ito ang naitalang pinakamatandang magasin sa wikang Sebwano na nilalathala pa magpahanggang sa kasalukuyan, at tinaguriang "pinakamatagumpay na peryodikal sa Sebwano" (CCP, p. 542).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inilusad ni Ramon Roces ang Bisaya Magasin sa kahilingan ni Sebwanong makatang si Vicente Padriga, na siya rin naging unang patnugot ng babasahin. Lumitaw ang unang kopya nito noong Agosto 15, 1930, bilang bahagi ng mga magasing nilalathala ng Liwayway Publishing, Inc.
Noong Digmaang Pandaigdig II, huminto ang Bisaya Magasin sa paglilimbag; muli itong binuhay noong Agosto 14, 1946. Mayroon itong unang sirkulasyon na umaabot sa 5,000, na tumaas sa mga bilang na 60,000 noong mga dekada ng 1960.
Noong Hunyo 1948, nagpanimula ng isang kapatid na buwanang babasahin ang Bisaya Magasin na tinawag na Saloma, isang pamplet na pampanitikan na nagdadala ng isang kumpletong kathambuhay bawat labas. Tumagal ang paglalathala ng Saloma hanggang sa mga huling panahon ng mga dekada ng 1950, na may sirkulasyong umaabot sa 8,000 hanggang 22,000.
Tala ng mga patnugot
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Vicente Padriga (1930-1931)
- Natalio Bacalso (1931-1933)
- Flaviano Boquecosa (1933-1941)
- Maximo Bas (1946-1949)
- Francisco Candia (1949-1966)
- Nazario D. Bas (1973-1986)
- Tiburcio Baguio (1986-1995)
- Santiago R. Pepito, Jr. (1995-2001)
- Mariano Y. Mañus, Jr. (tagapamahalang patnugot) (2001-2005)
- Edgar S. Godin (kasamang patnugot) (2005-)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Encyclopedia of Philippine Art, Tomo. IX