Pumunta sa nilalaman

Bitboard

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang bitboard ay isang estruktura ng datos na karaniwang ginagamit sa mga sistema ng kompyuter na naglalaro ng mga larong pantabla(board games). Ang isang bitboard na karaniwang ginagamit para sa mga larong pantabla gaya ng chess, checker o othello ay isang spesyalisasyon ng estruktura ng data na bitset kung saan ang bawat bit ay kumakatawan sa posisyon ng laro o estado na dinisenyo para sa optimisasyon ng bilis, memorya o paggamit ng hard drive sa pangmaramihang mga kalkulasyon. Ang bit sa parehong bitboard ay nakikipag-ugnayan sa bawat isa sa mga patakaran ng laro na karaniwang bumubuo ng mga posisyon ng laro kung pagsasamahin. Ang isang laro ay maaaring anumang sistemang tulad ng laro kung saan ang impormasyon ay siksik na pinagsama sa isang anyong estruktura na may mga patakaran na umaapekto kung paanong ang mga indibidwal na unit o piyesa ay nakikipag-ugnayan.